•  
  •  
 

Malay Journal

Panawagan para sa Kontribusyon (Call for Contributions)

PANAWAGAN PARA SA KONTRIBUSYON (CALL FOR CONTRIBUTION)

  • Bukas ang panawagan para sa pagsusumite ng mga artikulo buong taon mula sa mga  mananaliksik at iskolar ng Araling Filipino. 
  • Ang mga papel ay kailangang hindi pa nailathala o naisumite para sa konsiderasyon sa ibang publikasyon o journal. 
  • Ang artikulong ipapasa sa Malay ay kailangang kompyuterisado sa maikling bond paper na may isang pulgadang palugit sa lahat ng gilid, doble-espasyo, gamit ang font na Times New Roman, may sukat na 12-puntos, at maayos na naidokumento gamit ang MLA Ninth Edition. 
  • Ang artikulo ay dapat na binubuo ng 5,000 hanggang 7,000 salita (20-40 pahina). 
  • Kinakailangang ang artikulo ay may pamagat, abstrak na may 200-250 salita, at limang susing salita na pare-parehong may salin sa wikang Ingles.
  • Kailangang minimal ang mga dulong tala. Kung sakaling may larawan o ilustrasyong bahagi ng artikulo, ang file ay kailangang nasa format na jpeg at malinaw ang kopya. Kailangan ding may kapsiyon at karampatang pagkilala sa pinaghiraman o may-ari/may likha ng larawan/ilustrasyon. Tungkulin ng awtor na kumuha ng permiso para sa anumang materyal na may karapatang-ari.
  • Anumang pagkakakilanlan sa identidad ng awtor ay kailangang wala sa manuskrito. Ang pangalan ng awtor, tirahan, e-mail, at iba pang mahahalagang kontak ay kailangang nakasulat sa hiwalay na papel. Kailangan ilakip sa sabmisyon ang isa hanggang dalawang talatang bionote para sa pagkakakilanlan ng awtor. 

Ang buong proseso mula sa pagpapasa hanggang sa publikasyon ay isinasagawa gamit ang onlayn na plataporma ng journal sa https://animorepository.dlsu.edu.ph/malay/ simula Setyembre 2024.