•  
  •  
 

Malay Journal

Tungkol sa Malay (About this Journal)

Bilang journal na multi/interdisiplinari, pangunahing tuon ng Malay ang mahahalagang usapin at dalumat sa iba’t ibang disiplina sa larangan ng Araling Filipino kaugnay ng wika, kultura, at midya na nagsusulong ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Sa ganitong tunguhin, tanging mga papel na nakasulat lamang sa wikang Filipino ang tinatanggap ng Malay.

Inililimbag ang Malay, onlayn at printed, dalawang beses isang taon (Hunyo at Disyembre) ng Publishing House ng Pamantasang De La Salle, Maynila.

Bukas buong taon ang pagpapasa ng mga papel pananaliksik at artikulo. Hindi naniningil ang Malay ng anumang halaga sa mga awtor na nais magpasa at maglathala.