Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino
Abstract
Ang papel na ito ay komentaryo sa artikulong—Ma'I in Chinese Records—Mindoro or Bai? An Examination of a Historical Puzzle ni Go Bon Juan. Layunin ng pag-aaral na ito na lumikha ng isang mapanglagom at preliminaryong pagbasa sa Ma’i bilang isang suliraning historiograpikal. Sa muling pagbasang ito ay pagtutuunan ng pansin ang maikling pagbaybay sa historiograpiya nito na susundan naman ng interogasyon at pagbibigay kritik sa kamakailang pag-aaral dito ni Go Bon Juan at mga suliraning kinakaharap ng kaniyang interpretasyon na umiinog sa pagpapalagay nito na ang Ma’i ay natagpuan ng mga banyagang mangangalakal sa kasalukuyang rehiyon ng lawa ng Laguna. Mangyari pa, hindi lamang nakatali sa nakasanayan at makitid na pagtitiyak ng pook ang tutok ng pag-aaral. Pagtatangka rin ito na bigyang diin ang “saysay” nito sa pamamagitan ng pagpopook sa Ma’i sa malawak na kontekstong pangkasaysayan na kinasasangkutan nito. Una, bilang isang mahalagang yugto ng napakahabang kasaysayan ng rehiyon ng lawa ng Laguna, at; pangalawa, bilang mikrokosmong bahagi ng naging historikal na pagsulong ng buong Dunia Melayu. Sa huli, sa pamamagitan ng kritikal na panunuri sa mga pundamental na proposisyon ni Go Bon Juan ay ang pag-uwi ng pag-aaral sa konklusyong bagaman kasalukuyang maipapalagay na ang Ma’i ay ang Bay nga ng Laguna, mapaninindiganang hindi talaga sa kasalukuyang kinalalagyan nito sa Laguna nadatnan ng mga mangangalakal ang Ma’I, kung hindi sa kasalukuyang erya ng Verde Island Passage na kinabibilangan ng kasalukuyang Batangas-Mindoro axis kung saan nakaugnay ang Puliran o Lawa ng Laguna.
Recommended Citation
Saluria, Jolan S.
(2024)
"Ang Ma’i bilang Bay: Isang Muling Pagbasa at Pagtatasa,"
Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino: Vol. 9:
No.
1, Article 6.
DOI: https://doi.org/10.59588/2094-4187.1007
Available at:
https://animorepository.dlsu.edu.ph/dalumat/vol9/iss1/6