•  
  •  
 

Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino

Abstract

Nilalayon ng papel na suriin ang mga diskurso sa ekolohiya gamit ang ekofeminismo sa mga kuwentong “Anino ng Paraiso” (2007) ni Perry Mangilaya at “Sa Taguangkan sang Duta” (In the Womb of the Earth) (2020) ni Alice Tan Gonzales na parehong manunulat mula sa Visayas. Batay sa mga yugto ng ekokritisismo ni Glotfelty (1996), sinuri sa mga napiling akda ang representasyon ng kalikasan o kapaligiran bago tiningnan ang mga isyung pang-ekolohiya sa likod ng mga ito. Natuklasan sa pag-aaral na inilalarawan sa mga kuwento ang kalikasan bilang anino ng alaala at bilang babae. Lumabas din na pagkamkam ng lupa at deforestation ang mga isyung pang-ekolohiya na pinangungunahang labanan ng mga babaeng tauhan sa pamamagitan ng pagsulong sa etika ng pangangalanga (ethics of care). Sa huli, pinatunayan ng mga akda ang pagkakaunawa sa ekolohiya na maaaring magdulot ng pag-iisip, idea, at aksiyon upang magkaroon ng isang sustenableng kapaligiran at “literasing pang-ekolohiya.”

Share

COinS