•  
  •  
 

Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino

Abstract

Malawak na ang akademikong literatura ng pagpapalit-koda sa larangan ng araling pangwika sa Pilipinas. Sa kabilang banda, wala pang nailalathalang mga publikasyon na nakatuon sa paggamit ng pagpapalit-koda sa pelikulang Pilipino. Sinuri sa pag-aaral na ito ang ugnayan ng nabanggit na sosyolingguwistikong konsepto sa damdamin ng mga karakter sa multilingguwal at multikultural na pelukulang Patay na si Hesus. Ipinakilala rin ng mananaliksik ang mga terminong pagpapalit-pangungusap (intersentential switching), pagpapalit-sugnay (intrasentential switching), at pagpapalit-pananda (tag switching) bilang salin ng mga uri ng pagpapalit-koda. Makikita sa pagtalakay ng mga resulta na matagumpay na naipakita ng pelikula ang paggamit ng pagpapalit-koda sa pagpapahayag ng damdamin ng mga karakter, partikular na sa pagpapakita ng galit, pagmamahal, pagbibiro, pagkainis, at pagkatuwa. Sa pamamagitan ng pagpapalit-koda, maaaring malampsan ang hadlang ng monolingguwalismo at rehiyunalismo sa bansa.

Share

COinS