Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino
Abstract
Dalawa sa mga hibla ng Pilosopiyang Filipino ay patungkol sa paggamit ng banyagang pilosopiya at pamimilosopiya sa wikang Filipino. Makatutulong ang dalawang ito tungo sa pagsasalin ng mga banyagang kaisipan sa talastasang bayan. Ang dalawang hiblang ito ang nais na ambagan ng kasalukuyang sanaysay, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng rebyu sa isang halimbawa ng anime/manga na Hapon: ang Attack on Titan (AOT) ni Hajime Isayama. Gagamitin sa pagbasa ng AOT ang mga pilosopikal na pananaw ng ilang Aleman/Austrianong pilosoper/sikolohista na sina Sigmund Freud, Erich Fromm, Carl Schmitt, at Friedrich Nietzsche. Sa pagbasang ito sa pamamagitan ng apat na banyagang palaisip, tututukan ang tema ng kalayaan at digmaan. Liban dito, maglalatag din ng pagmumuni-muni ukol sa paksa ng pananangkapan sa kasaysayan bilang sandatang pulitikal, isang temang lantad na lantad rin sa AOT. Ang lahat ng ito ay isasagawa sa wikang Filipino, bilang pagtatangka na makapag-ambag sa pagpapasok ng anime/manga na Hapon at pilosopiyang Aleman/Austriano sa talastasang bayan.
Recommended Citation
Santos, Mark Joseph P.
(2022)
"Ang Attack on Titan ni Hajime Isayama Batay sa Iba't Ibang Pilosopikal na Pananaw,"
Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino: Vol. 8:
No.
1, Article 4.
DOI: https://doi.org/10.59588/2094-4187.1010
Available at:
https://animorepository.dlsu.edu.ph/dalumat/vol8/iss1/4