•  
  •  
 

Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino

Abstract

Ang salitang banyuhay o “bagong anyo ng buhay” ay isang metapora na sumasalamin sa pag-usbong ng pagkakakilanlan ng mga aktibistang LGBTQ+. Ginamit ang disenyong narrative case study upang masiyasat ang (1) pagbabago sa pagkakakilanlan bago at pagkatapos sumali sa mga pagkilos, (2) mga salik na nag-udyok na kilalanin ang sarili bilang ganap na aktibista, at (3) pagkakakilanlan batay sa mga kategorya ng Social Identity Theory–Self-Categorization Theory (SIT-SCT). Bilang unang hakbang, pinasagutan ng mga mananaliksik ang pre-interview questionnaire upang makakalap ng inisyal na impormasyon sa mga kalahok. Sumunod dito, isinagawa ang semi-structured interview sa anim na kalahok mula sa iba't ibang organisasyong nakadestino sa Metro Manila. Sinuri ang datos gamit ang Modelo ng Pagsusuri ng Salaysay ni Labov (1972). Mula sa pagsusuring ito, lumitaw ang mga sumusunod na panloob at panlabas na salik na nag-udyok sa mga aktibistang LGBTQ+ na lumahok sa aktibismo: (1) maagang pagkamulat at pagtuklas sa sarili, (2) personal na pagbubuo at pagninilay ng identidad, at (3) impluwensiya ng relasyon sa paligid. Batay sa SIT-SCT, lumabas na pinahahalagahan ng mga aktibista ang kolektibong identidad at pakikilahok. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na lawakan ang saklaw ng pag-aaral sa mga aktibistang LGBTQ+ mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at siyasatin ang mga naratibo ng mga aktibistang may iba pang adbokasiya.

Share

COinS