•  
  •  
 

Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ilahad ang mga mga kwento, karanasan, at pananaw ng fanboys ng BINI. Gumamit kami ng photo-narrative na metodo upang mas malalim na masipat ang panatisismo ng mga Gen-Z na kalalakihan sa pamamagitan ng mga larawan at naratibong ibinahagi ng pitong (n=7) kalahok na nagtataglay ng mga katangian ng isang fanboy. Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga mahahalagang karanasan at pananaw ng mga kalahok bilang mga BINI fanboy na nagbunsod sa pagkabuo namin sa isang metaporikal na framework—ang Naratibong Balangkas ng Pagsibol ng Fanboys na may tatlong pangunahing tema: Pagbibinhi, Pagpapalago, at Pamumukadkad. Kabilang sa Pagbibinhi ay ang mga temang (a) mahalagang papel ng mass media sa pagtuklas, (b) pagpukaw ng atensyon, (c) paghanga sa pang-indibidwal na talento at kahusayan bilang grupo, at (d) unang pakikibahagi; sa Pagpapalago ay ang (a) unti-unting pagbuo ng katapatan, (b) malalim na personal/emosyonal na koneksyon, (c) integrasyon sa pang-araw-araw na buhay, at (d) pakikilahok sa komunidad ng fans; at sa Pamumukadkad naman ay (a) pagkakakilanlan at pagmamalaki bilang isang tagahanga, (b) patuloy na pakikipag-ugnayan at pakikilahok sa fandom, at (c) inspirasyon at personal na pag-unlad. Sa pangkalahatan, ang pagiging fanboy ay posibleng hindi lamang pansamantalang karanasan, kundi ito ay isang makabuluhang bahagi ng pagkatao at pagkakakilanlan.

Share

COinS