Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino
Abstract
Mahalaga sa anomang organisasyong panlipunan ang mabisang pakikipag-ugnayan sa mga pinagsisilbihan nito. Sa kaso ng mga unyon, tungkulin nito ang regular na pakikipagkomunikasyon sa mga miyembro at hindi miyembro nito hinggil sa iba’t ibang usaping may kaugnayan sa sariling kagalingan at kagalingan ng mga kapwa manggagawa. Isa na sa mga paraang ito ang paglalabas ng mga pahayag o statement. Nagagamit din ang pahayag bilang isang kasangkapan sa paglalatag ng tindig at paniniwala ng mga kasapi nito sa isang partikular na isyu. Para sa papel na ito, sinuri ng mga mananaliksik ang dalawampu’t anim (26) na pahayag o statement ng All UP Academic Employees Union - Los Baños (AUPAEU-LB) mula sa mga taong 2019 hanggang 2020. Sa gabay ng proseso ng pagsusuri ng talinghaga ni Richard D. Johnson Sheehan (1999), tinangka ng saliksik na ito na tuklasin ang mga pananalinghaga at ang mga kahulugan nito sa likod ng mga pahayag na nailathala sa Facebook page ng AUPAEU-LB. Maihahanay ang mga pahayag sa tatlong pangunahing tema: (1) akademikong kalayaan at karapatang pantao, (2) akademikong polisiya at gawaing pang-unibersidad, at (3) usaping batayang serbisyo at pangkomunidad. Sa pagsusuri naman ng mga talinghaga, bagaman masasabing karaniwan na ang mga ginagamit dahil sa pagkakatulad sa mga talinhagang ginagamit ng ibang organisasyong pangmasa, sinasalamin pa rin naman ng mga ito ang realidad ng sektor ng kaguruan at REPS (Research, Extension, and Professional Staff) at gayundin ang pakikipagkaisa ng AUPAEU-LB sa iba pang mga institusyon at organisasyon sa labas ng UP. Samakatwid, isang esensyal na sangkap ang pananalinghaga sa pagpapaunawa at pagpaparanas sa mambabasa ng mga usaping kinahaharap ng mga manggagawang akademiko.
Recommended Citation
Lanzaderas, Cris; Delfin, Jennifer Cruz; and Madula, Rowell
(2025)
"Talinghaga at/ng Pakikibaka: Pagsusuri sa mga Pahayag ng All UP Academic Employees Union - Los Baños, 2019-2020,"
Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino: Vol. 11:
No.
1, Article 2.
DOI: https://doi.org/10.59588/2094-4187.1022
Available at:
https://animorepository.dlsu.edu.ph/dalumat/vol11/iss1/2
Included in
Arts and Humanities Commons, Social Influence and Political Communication Commons, Social Media Commons, Speech and Rhetorical Studies Commons