•  
  •  
 

Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino

Abstract

Layunin ng rebyu ng literaturang maisakasaysayan ang plain language (PL), matalakay ang mga global na praktika nito, at masarbey ang ambag ng mga Pilipinong iskolar sa larangan. Makikita sa dulo ng rebyu ang sintesis ng mga natuklasan at direksiyon para sa kalagayan ng PL. Mauugat ang kasaysayan ng PL mula sa mga pagsisikap na gawing malinaw ang teknikal na pagsulat noong ika-16 siglo hanggang sa patuloy na pagsigla nito sa iba’t ibang panig ng daigdig. Kabilang naman sa mga prominenteng praktika ng plain language sa ibang bansa ang: Klarspråk (Sweden), Le Langage Clair (France), Lenguaje Claro (Spain), Leichte Sprache at Klare Sprache (Germany), at Plain Japanese (Japan). Sa konteksto ng bansa, wikang Ingles ang primaryang ginagamit para sa PL, at iilan lamang ang mga iskolar na nakatuon dito. Lumutang sa mga sinarbey na pag-aaral ukol sa PL sa wikang Ingles ang halaga nito sa impormasyong legal, pangkalusugan, pampamahalaan, at pangkonsumer. Dagdag pa, walang pag-aaral ang lumutang ukol sa paggamit ng wikang Filipino para sa PL. Maituturing itong puwang na kailangang siyasatin at mabigyang-pansin lalo na sa kasalukuyang panahong nangangailangan ang madla ng mauunawaan, mapagkakatiwalaan, at mapananaligang batis ng impormasyon. Sa kabuoan, binibigyang-diin ng rebyu ang kahalagahan ng PL sa pagpapalaganap ng ingklusibidad, aksesibilidad, at wastong pagpapasya, habang binibigyang-pansin din ang patuloy na hamong dulot ng kawalan ng pormal at legal na adopsiyon nitong higit na makatutulong sa mga marhinalisado at bulnerableng sektor ng lipunang Pilipino.

Share

COinS