Sinaya: A Philippine Journal for Senior High School Teachers and Students
Theme
Humanities, Arts and Education
Title in Filipino [Pamagat ng Pananaliksik]
Mula Unibersidad, Kalsada, tungo sa Modernong Lipunan: Becoming, Being, and Living bilang “Babaeng Aktibista”
Research Advisor
Leo Vicentino
Abstract
Historically, women faced patterns of prejudice and gender-based oppression, resulting in the denial of their fundamental rights. Through years of ingrained subordination under authoritarian regimes, activism birthed various movements and organizations that sought liberation. As militant groups gained traction, withstanding large-scale issues, women’s struggles were seldom addressed within nationalist movements. Literature has documented the roots of activism, women’s organizations, and the socio-political conditions throughout Philippine history. However, there is a narrow understanding of women’s experiences and how these mold their individual identities in response to shared struggles. This study attempts to design a local framework elucidating the motivations and drivers behind women’s activism. This single-case narrative study conducted semi-structured interviews with an aged female activist who claimed to be a university graduate, living a moderate lifestyle. Through a modified narrative analysis using Butina (2015), findings revealed her profound worldviews, motivations, and ideologies. Recounting her experiences, the participant’s lifelong commitment to activism emerged as a notable discovery. Becoming, being, and living as an activist was a voluntary choice to discover, assert, and sustain her praxis. Through adaptations of the framework, future studies should continue to explore additional narratives of women who are anti-imperialist, self-ascribed activists who work towards attaining an equitable society. By asserting their identities, affirming their actions, and nurturing their efforts towards nation-building, women’s narratives serve as a stark implication that they survived amidst adversity. Hence, "becoming" a woman activist transcends past experiences and struggles as she lives a life committed to meaningful change.
Abstract in Filipino [Abstrak]
Sa kasaysayan, nakaranas ang kababaihan ng iba’t ibang anyo ng diskriminasyon at pagkiling batay sa kasarian, na nagresulta sa pagkait ng kanilang mga karapatan. Sa paglipas ng panahon at sa ilalim ng mga mapaniil na rehimen, umusbong ang aktibismo at nagbunga ng iba’t ibang kilusan at organisasyong naglalayong makamit ang paglaya. Gayunpaman, sa kabila ng paglakas ng mga militanteng kilusan, nakatuon ang atensyon sa mas malalaking suliranin. Dahil dito, madalas na hindi nabibigyang-pansin ang mga isyu ng kababaihan sa mga pambansang kilusan. Naidokumento na sa literatura ang pinagmulan ng aktibismo, mga organisasyong pangkababaihan, at mga sosyo-politikal na kalagayan sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Nananatili ring limitado ang pag-unawa sa mga karanasan ng kababaihan at kung paano nito hinuhubog ang kanilang identidad bilang tugon sa kolektibong pakikibaka. Layunin ng pag-aaral na ito na bumuo ng isang lokal na balangkas na magpapaliwanag sa mga motibasyon at salik na nagtutulak sa aktibismo ng kababaihan. Isinagawa sa single-case na pag-aaral na ito ang semi-structured na panayam sa isang babaeng aktibista na nagsabing nagtapos siya sa unibersidad, at may payak na pamumuhay. Sa pamamagitan ng modified narrative analysis ni Butina (2015), lumitaw ang malalim niyang pananaw, motibasyon, at ideolohiya. Sa pagbabahagi ng kaniyang naging mga danas, makikita ang kaniyang pagiging bahagi ng aktibismo bilang isang mahalagang aspekto. Ang maging, naging, at pagiging aktibista ay isang boluntaryong pagpili sa pagtuklas, paggiit, at pagpapanatili ng kaniyang praxis. Sa pamamagitan ng pag-angkop ng balangkas na ito, inirerekomenda sa susunod na mga pag-aaral ang patuloy na pagsusuri sa iba pang naratibo ng kababaihang anti-imperyalista at nagpapakilalang aktibista na nagsusulong ng isang makatarungang lipunan. Sa paggiit ng kanilang identidad, paninindigan sa pagkilos, at pag-ambag sa pagpapaunlad ng bansa, ipinapakita ng mga naratibo ng kababaihan ang kanilang patuloy na pagkilos at paninindigan sa kabila ng mga panggigipit. Sa ganitong konteksto, ang maging isang babaeng aktibista ay lumalampas sa mga nakaraang danas at pakikibaka at namumuhay na nakatuon sa makabuluhang pagbabago.
Recommended Citation
Ampat, M. A. L., Robles, J. M. A. C., Roa, Z. S., Clauna, J. L. C, & Vicentino, L. (2025). From universities, streets, to modern contemporary society: Becoming, being, and living as “Babaeng Aktibista.” Sinaya, (4)3, 118–159. https://doi.org/10.59588/3027-9283.1249
Included in
Political History Commons, Social History Commons, Sociology Commons, Women's History Commons, Women's Studies Commons