•  
  •  
 

Sinaya: A Philippine Journal for Senior High School Teachers and Students

Theme

Social Sciences and Business

Title in Filipino [Pamagat ng Pananaliksik]

“Maria! Balbon Mo, Ahitin Mo!”: Ang Karanasan ng mga Pilipina sa Pagtanggal ng Buhok sa Katawan bilang isang Beauty Standard

Research Advisor

Dr. Deborrah Anastacio

Abstract

Ang pagtanggal ng buhok sa katawan ng mga kababaihan ay naging isang pamantayan ng kagandahan na may malalim na ugnayan sa mga impluwensyang panlipunan at pangkulturang aspeto. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tuklasin kung bakit at paano nagpapatanggal ng buhok sa katawan ang mga kababaihan sa Pilipinas, pati na rin ang impluwensya ng mga pamantayang ito sa kanilang desisyon at karanasan. Gumamit ang pananaliksik na ito ng kwalitatibong metodolohiya, partikular na ang purposive sampling, upang makapanayam ang pitong (7) kababaihan na nasa edad 18-25 at mayroon nang karanasan sa pagtanggal ng buhok sa katawan. Ang mga panayam ay isinagawa gamit ang Zoom at inanalisa gamit ang thematic analysis. Lumitaw sa mga resulta na ang mga pangunahing dahilan ng pagtanggal ng buhok sa katawan ng mga kababaihan ay ang kanilang personal na kagustuhan, impluwensya ng social media, at ang presyur mula sa lipunan upang umayon sa mga pamantayan ng kagandahan. Ipinakita rin sa pag-aaral kung paanong ang mga gender norms ay may malaking papel sa paghubog ng pananaw ng mga kababaihan sa kagandahan. Sa konklusyon, ang pagtanggal ng buhok sa katawan ay isang halimbawa ng Gender Performativity, kung saan ang mga pamantayan ng kagandahan ay patuloy na pinapalakas at pinipilit sundin ng mga kababaihan dahil sa impluwensya ng lipunan at mga ideya ukol sa kagandahan.

Abstract in Filipino [Abstrak]

Ang pagtanggal ng buhok sa katawan ng kababaihan ay naging isang pamantayan ng kagandahan na may malalim na ugnayan sa mga impluwensiyang panlipunan at pangkulturang aspekto. Layunin ng pag-aaral na itong tuklasin kung bakit at paano nagpapatanggal ng buhok sa katawan ang kababaihan sa Pilipinas, pati na rin ang impluwensiya ng mga pamantayang ito sa kanilang desisyon at karanasan. Gumamit ang pananaliksik ng kwalitatibong metodolohiya, partikular ng interpretatibong penomenolohikal na analisis, upang makapanayam ang pitong (7) kababaihan na nasa edad 18-25 at mayroon nang karanasan sa pagtanggal ng buhok sa katawan. Isinagawa ang mga panayam gamit ang Zoom. Lumitaw sa mga resulta na ang mga pangunahing dahilan ng pagtanggal ng buhok sa katawan ng kababaihan ay ang kanilang personal na kagustuhan, impluwensiya ng social media, at ang presyur mula sa lipunan upang umayon sa mga pamantayan ng kagandahan. Ipinakita rin sa pag-aaral ang malaking papel ng gender norms sa paghubog ng pananaw ng kababaihan sa konsepto ng kagandahan. Sa kongklusyon, isang halimbawa ng Gender Performativity ang pagtanggal ng buhok sa katawan kung saan pinipilit ng kababaihang sumunod sa hinubog na ideya ukol sa kagandahan ng lipunan upang makaangkop sa inaasahang katangian ng isang babae. 

Share

COinS