•  
  •  
 

Sinaya: A Philippine Journal for Senior High School Teachers and Students

Theme

Social Sciences and Business

Title in Filipino [Pamagat ng Pananaliksik]

From Companionship to Grief: Mga Danas ng mga Kabataang Dog Owners sa De La Salle University

Research Advisor

Noel D. Bedia

Abstract

Pets have long been part of people’s lives, but today, they are often viewed as family, especially by adolescents who rely on them for comfort, support, and companionship. For many, the bond with a pet runs deep, making their loss emotionally devastating. However, the emotional and psychological impact of this grief, particularly among adolescents, remains largely overlooked in academic research despite growing recognition of the human-animal bond. This phenomenological study explores the lived experiences of seven adolescent dog owners (ages 18–23) from De La Salle University Manila, focusing on understanding how they form attachments to pets, navigate caregiving responsibilities, and cope with pet loss. Thematic analysis was employed to systematically explore and interpret the participants’ narratives. The discussion of results was divided into four. Firstly, Pets as Family highlights how pets are viewed as emotional companions and family members, often personified and deeply integrated into daily life. Second, Managing Pet Responsibilities captures the challenges of caregiving and the personal growth that can result from these experiences. Third, Experiencing Pet Loss explores the intense grief, emotional responses, and reflective processes accompanying pet loss. Finally, Coping After Loss examines the role of social support, memory-keeping, and shifting perspectives in navigating grief. This study contributes to a deeper understanding of the adolescent-pet relationship, underscoring the need to recognize pet loss as a valid and impactful experience. Findings emphasize the importance of integrating grief education, emotional support systems, and pet-related counseling into adolescent mental health and educational frameworks.

Abstract in Filipino [Abstrak]

Matagal nang bahagi ng buhay ng tao ang mga alagang hayop, ngunit sa kasalukuyan, mas itinuturing na silang bahagi ng pamilya, lalo na ng mga kabataang umaasa sa kanila para sa pagkakaroon ng aliw, suporta, at kasama sa araw-araw. Para sa marami, malalim ang ugnayan sa kanilang alagang hayop, kaya ang pagkawala nito ay nagdudulot ng matinding emosyonal na epekto. Gayunpaman, nananatiling kulang ang pag-aaral sa sikolohikal at emosyonal na epekto ng ganitong uri ng pagdadalamhati, lalo na sa hanay ng kabataan. Sinusuri sa penomenolohikal na pag-aaral na ito ang karanasan ng pitong kabataang may edad 18 hanggang 23 mula sa De La Salle University Manila. Nakatuon ang pananaliksik sa pag-unawa kung paano nabubuo ang ugnayan sa alagang aso, kung paano hinaharap ang responsibilidad sa pag-aalaga, at kung paano nila pinoproseso ang pagkawala nito. Ginamit ang tematikong pagsusuri upang sistematikong suriin at bigyang-kahulugan ang mga salaysay ng mga kalahok. Nahati sa apat na bahagi ang pagtalakay sa resulta. Una, ipinakita sa Pets as Family kung paano itinuturing ang alagang hayop bilang emosyonal na sandigan at miyembro ng pamilya sa pang-araw-araw na buhay. Ikalawa, tinalakay sa Managing Pet Responsibilities ang mga hamon sa pag-aalaga at ang personal na pag-unlad na nagmumula rito. Ikatlo, ipinakita sa Experiencing Pet Loss ang matinding pagdadalamhati, iba’t ibang emosyonal na tugon, at proseso ng pagninilay na kaakibat ng pagkawala ng alagang hayop. Tinalakay rin sa Coping After Loss ang suporta mula sa iba, pagpapanatili ng alaala, at pagbabago ng pananaw sa pagharap sa pagdadalamhati. Nag-aambag ang pag-aaral na ito sa malalim na pag-unawa sa ugnayan ng kabataan at kanilang alagang hayop, at binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkilala sa pagpanaw ng alagang hayop bilang tunay na mabigat na karanasan. Ipinapakita rin ng mga resulta ang pangangailangang isama ang edukasyon hinggil sa dalamhati, mga sistemang sumusuporta sa emosyonal na kalagayan, at counseling na may kaugnayan sa alagang hayop sa mga programa para sa kalusugang pangkaisipan at pang-edukasyon para sa kabataan.

Share

COinS