•  
  •  
 

Sinaya: A Philippine Journal for Senior High School Teachers and Students

Theme

Humanities, Arts and Education

Title in Filipino [Pamagat ng Pananaliksik]

Self-Agency bilang Estratehiya sa Emergency Remote Learning ng mga Pilipinong Estudyante sa Baitang 10

Research Advisor

Felicia I. Yeban

Abstract

The Coronavirus disease 2019 pandemic significantly influences students' educational attainment as they actively find and rationalize knowledge obtained from emergency remote learning. As a response, the agency or the ability to regulate one’s learning provides the students with the ability to believe in themselves. Still, it also necessitates the deliberate consideration to create a plan of action and modify it as required to achieve one's objectives. This study obtained knowledge from emergency remote learning (ERL) experiences of Filipino Grade 10 Students in their Social Studies class. The researchers employed a phenomenological approach to understand the self-agency practices of Grade 10 students in the emergency remote learning set-up and the factors that led to it. The participants in this study were 25 Grade 10 Students from a selected public junior high school in the National Capital Region, Philippines, for the academic year 2020-2021. Self-agency as a learning strategy was examined through two sets of interviews, which revealed that students have adapted to this new learning environment by forming self-agency practices such as establishing personalized routines, seeking peer support, keeping track of time, accessing online and offline resources, and engaging study breaks. The teacher, learning space, and government and parental support were the factors that led to the self-agency practices of students in the ERL setup.

Abstract in Filipino [Abstrak]

Malaki ang impluwensiya ng pandemya ng Coronavirus noong 2019 sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral habang aktibo nilang sinusuri at binibigyang-katwiran ang mga kaalamang natatamo mula sa emergency remote learning. Bilang tugon, ang agency o kakayahang pamahalaan ang sariling pagkatuto ay tumutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng tiwala sa sarili. Kinakailangan din ang maingat na pagbuo ng plano at ang kakayahang baguhin ito ayon sa pangangailangan upang makamit ang mga layunin sa pagkatuto. Sinuri sa pag-aaral na ito ang mga karanasan sa emergency remote learning (ERL) ng mga Pilipinong mag-aaral sa Baitang 10 sa asignaturang Social Studies. Gumamit ang mga mananaliksik ng phenomenological approach upang maunawaan ang mga pamamaraan ng self-agency at ang mga salik na nakaapekto sa mga ito. Kabilang sa mga kalahok ang dalawampu’t limang (25) mag-aaral mula sa isang pampublikong junior high school sa National Capital Region, Philippines, sa taong panuruan 2020 hanggang 2021. Sinuri ang self-agency bilang estratehiya sa pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang set ng panayam. Lumabas sa resulta na nakaangkop ang mga mag-aaral sa bagong moda ng pagkatuto sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pamamaraan tulad ng pagsasaayos ng personal na daloy ng gawain, suporta mula sa kapwa mag-aaral, maayos na pamamahala ng oras, paggamit ng online at offline na mga materyal, at paglalaan ng pahinga sa pag-aaral. Nakita rin sa pag-aaral na ang guro, ang espasyo ng pagkatuto, at ang suporta mula sa pamahalaan at pamilya ang mga pangunahing salik na nakaimpluwensiya sa pagbuo ng self-agency sa ERL na moda.

Share

COinS