•  
  •  
 

Sinaya: A Philippine Journal for Senior High School Teachers and Students

Theme

Humanities, Arts and Education

Title in Filipino [Pamagat ng Pananaliksik]

A Protection or a Barrier?: Isang Scoping Review sa Papel ng Boundaries sa Ugnayan ng Guro at Estudyante

Research Advisor

Not Applicable

Abstract

Teacher-student relationships have differing potentialities in terms of importance and challenges, therefore implying the need for more effective navigation by placing healthy boundaries. However, the impact of this relationship and the boundary itself for both teachers and students need to be recognized to determine how they should be navigated. Doing so can give teachers and students healthier and more meaningful classroom experiences that align with the sustainable development goal of achieving optimal well-being and quality education. To examine the perceived importance and challenges of boundaries in teacher-student relationships, a scoping review was conducted. Eleven (11) out of the 29 studies provided data on emerging themes about the importance and challenges of teachers and students with regard to their relationship with each other and the boundaries involved. Specifically, the importance of teacher-student relationships includes a safe haven for students, enhancement of learning experience and performance, and a feeling of appreciation and rewarding experience. In contrast, the challenges involve exhaustion and relationship complication and bias. The importance of setting boundaries includes welfare protection and the protection of teachers’ objectivity and role model status. Conversely, the challenges in setting boundaries include the difficulty in regulating emotions. These themes highlight the impact of boundaries and teacher-student relationships on the well-being and learning experiences of teachers and students in elementary, secondary, and higher education. In line with these findings, a call for an updated set of ethical guidelines, an establishment of training programs, and future quantitative and qualitative research to further explore the topic are recommended.

Abstract in Filipino [Abstrak]

May iba’t ibang potensiyal ang ugnayan ng guro at mag-aaral sa usapin ng kahalagahan at mga hamon, kaya nangangailangan ito ng mas maingat na pangasiwaan sa pamamagitan ng pagtatakda ng angkop na boundaries. Ngunit kailangan ding kilalanin ang impluwensya ng ugnayang ito at ang boundary para sa kapwa guro at mag-aaral upang matukoy kung paano dapat ito pangasiwaan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ang mga guro at mag-aaral ng mas maayos at mas makabuluhang karanasan sa silid-aralan na umaayon sa layunin ng sustainable development para sa pinakamainam na kalagayan at kalidad ng edukasyon. Isinagawa ng pag-aaral na ito ang isang scoping review upang suriin ang nakikitang kahalagahan at mga hamon ng mga hangganan sa ugnayang guro at mag-aaral. Labing-isa (11) sa dalawampu’t siyam (29) na pag-aaral ang nagbigay ng datos hinggil sa mga umuusbong na tema tungkol sa kahalagahan at mga hamon ng ugnayang ito, maging sa mga boundary na kaugnay nito. Kabilang sa kahalagahan ng ugnayang guro at mag-aaral ang pagbibigay ng ligtas na espasyo para sa mga mag-aaral, pagpapabuti ng karanasan at pagganap sa pagkatuto, at pagdama ng pagpapahalaga at positibong karanasan. Sa kabilang banda, kinabibilangan ng mga hamon ang pagkapagod, komplikasyon sa ugnayan, at pagkakaron ng bias. Nakatuon ang kahalagahan ng pagtatakda ng boundary sa proteksiyon ng kapakanan, at pagpapanatili ng pagiging obhektibo at pagiging huwaran ng guro. Gayunpaman, kabilang sa mga hamon sa pagtatakda ng boundary ang kahirapan sa pagkontrol ng emosyon. Ipinakikita ng mga temang ito ang epekto ng mga boundary at ng ugnayang guro at mag-aaral sa kapakanan at karanasan sa pagkatuto ng mga guro at mag-aaral sa elementarya, sekondarya, at tersiyarya. Kaugnay nito, inirerekomenda ng pag-aaral ang pagsasaayos ng mga etikal na gabay, ang pagbuo ng mga programang nakatuon sa pagsasanay, at ang pagsasagawa ng mga susunod pang kuwalitatibo at kuwantitatibong pananaliksik upang higit pang mapalalim ang pag-unawa sa paksa.

Share

COinS