•  
  •  
 

Sinaya: A Philippine Journal for Senior High School Teachers and Students

Theme

Social Sciences and Business

Title in Filipino [Pamagat ng Pananaliksik]

Road to Progress or Bumpy Detour?: Danas ng mga Jeepney Driver sa Gitna ng Patuloy na Phaseout

Research Advisor

Ivan Karlo S. Pating

Abstract

This study utilizes a phenomenological research design to explore the lived experiences of jeepney drivers amidst the ongoing government’s initiative to phase out and modernize traditional jeepneys in the Philippines. It focused on six jeepney drivers operating in the Tarlac public transportation system, selected based on specific inclusion criteria. The Theory of Change was used to delve deeper into the findings, revealing that the government's initiatives have challenged the stability of jeepney drivers’ livelihood during the modernization transition. Their lives were in jeopardy due to this abrupt transformation. It left them powerless to adapt to the changes or boycott. The drivers have mixed recommendations. Some are willing to comply as long as the government considers affordable transportation options, supports local manufacturers, and further analyzes the directives. Others are calling to cease the initiatives. The government initiative is stuck between the “Change” and “Refreezing” stages. The persistent restraining forces identified—financial barriers, inequitable support, and lack of trust in policy implementation—underscore the critical need for targeted interventions. Unless these issues are addressed, resistance and destabilization will persist and get worse.

Abstract in Filipino [Abstrak]

Gumamit ang pag-aaral na ito ng penomenolohikal na disenyo upang suriin ang mga danas ng mga drayber ng jeep sa gitna ng patuloy na inisyatiba ng gobyerno na modernisasyon at phaseout ng tradisyonal na jeep sa Pilipinas. Nakatuon ito sa anim na drayber na nagmamaneho ng jeep na pampublikong transportasyon sa Tarlac, na pinili batay sa tiyak na pamantayan. Ginamit ang Theory of Change upang mas mapalalim ang pagsusuri, at natuklasan sa mga resulta na naging hamon ang mga inisyatiba ng gobyerno sa kabuhayan ng mga drayber ng jeep sa transisyon tungo sa modernisasyon. Naging alanganin ang kanilang pamumuhay dahil sa biglaang pagbabagong ito. Nagdulot ito sa kanila ng kawalan ng kakayahan na umangkop sa mga pagbabago o tumutol dito. Iba-iba ang naging rekomendasyon ng mga drayber. May ilang handang sumunod kung isasaalang-alang ng gobyerno ang abot-kayang transportasyon, susuportahan ang mga lokal na manufacturer, at muling susuriin ang mga umiiral na direktiba. Samantala, may iba namang nananawagan na itigil ang mga inisyatibang ito. Sa kasalukuyan, nananatiling nasa pagitan ng yugto ng “Change” at “Refreezing” ang inisyatibang ito ng gobyerno. Ang mga nananatiling hadlang—tulad ng mga usaping pinansyal, hindi pantay na suporta, at kawalan ng tiwala sa implementasyon ng polisiya—ay nagpapakita ng agarang pangangailangan para sa mas tiyak na interbensyon. Hangga’t hindi natutugunan ang mga suliraning ito, magpapatuloy ang pagtutol at paglala ng sitwasyon.

Share

COinS