Date of Publication

12-2024

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Arts in History

Subject Categories

Asian History

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

History

Thesis Advisor

Lars Raymund C. Ubaldo

Defense Panel Chair

Ma. Florina Y. Orillos-Juan

Defense Panel Member

Marcelino M. Macapinlac Jr.
Arleigh Ross D. Dela Cruz

Abstract/Summary

Kolokyal na mas kilala bilang komiks, itinuring ang komiks-magasin bilang isang nasa laylayang primaryang batis sa akademya. Kaya naman, naging sanhi ito upang magkaroon ng kakapusan ng mga pag-aaral na ginamit ang komiks bilang pangunahing sanggunian. Sa kabila nito, maituturing ang babasahin bilang isa sa mga naging pangunahing panlibangan ng masang Pilipino. Sa ilalim ng diktaduryang pamamahala ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, nasubok ang kasikatan nito dahil naiharap ito sa isyu ng sensura at banta ng pagsamsam, pagsara, at pagkontrol dahil sa pagsupil ng pamahalaan sa mga pribadong midya. Dahil dito, ipinatupad ng mga tagakomiks ang isang self-censorship code upang maipagpatuloy ang kumikitang industriya ng panlibangang babasahin sa kabila ng pag-iral ng diktaduryang Marcos.

Sa pamamagitan ng pagsuri sa mga komiks-magasin, mga panayam, at mga dokumento mula sa pamahalaan at sa mga tagakomiks, nakita ang mga naging pagsunod at paglabag ng mga tagakomiks sa mga alituntunin ng self-censorship upang mapanatili ang popularidad ng komiks sa ilalim ng diktaduryang Marcos. Sa pagpapatupad ng self-censorship, nagbigay ito ng imahen sa panlibangang babasahin bilang katuwang ni Marcos kaya nakaiwas ang mga tagakomiks sa mas mahigpit na sensura mula sa pamahalaan. Ngunit sa pagsusumikap na mapanatiling popular ang grapikong midyum, nagsimulang ilabas ng mga tagakomiks ang mga babasahing naglaman ng mga temang tahasang lumabag sa self-censorship code, pero gustong basahin ng mga mambabasa. Dagdag pa rito, nakinabang ang mga tagakomiks sa naging mababang pagtingin sa panlibangang midyum na kinilala bilang pangmasang babasahin kaya hindi ito masyadong pinakialamanan ni Marcos kumpara sa iba pang mga uri ng midya. Dahil sa mga aspektong ito, nasuring patuloy na naging popular na panlibangang babasahin ang komiks-magasin sa ilalim ng diktaduryang Marcos.

Mga Susing Salita: komiks-magasin, komiks, pangmasang midya, self-censorship, diktaduryang Marcos

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Comic books, strips, etc.--History; Mass media--Philippines; Ferdinand E. Marcos, 1917-1989; Dictatorship--Philippines

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-11-2024

Share

COinS