Date of Publication

2022

Document Type

Dissertation/Thesis

Degree Name

Master of Arts in History

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

History

Thesis Advisor

Lars Raymund C. Ubaldo

Defense Panel Chair

Ma. Florina Y. Orillos-Juan

Defense Panel Member

Jose Rhommel B. Hernandez
Fernando A. Santiago, Jr.

Abstract/Summary

Ang Bulacan ay isa sa mga lalawigan sa Gitnang Luzon kung saan naitatag ang mga hacienda na pag-aari ng mga ordeng relihiyoso noong pananakop ng mga Espanyol. Isa ang mga Dominikano sa mga ordeng relihiyoso sa nakapagtatag ng hacienda sa lalawigan at tinawag itong Hacienda de Lolomboy sa bayan ng Bocaue. Ang haciendang ito ay bunga ng adhikain ng mga misyonero na gamitin ang mga lupain sa Pilipinas bilang bahagi ng pagkukunan ng tulong sa pagtustos sa mga misyon. Ang kasaysayan ng Hacienda de Lolomboy ay sumasalamin sa buhay ng mga mamamayan mula noong maitatag ito hanggang sa mga taon na unti-unting binenta ang mga bahagi nito dahil sa kanilang naging kaugnayan sa mga gawain at pagbabagong naganap dito.

Paksa ng tesis na ito ang kasaysayan ng Hacienda de Lolomboy na sumasaklaw mula 1642 hanggang 1928. Sa mahabang panahong sinasaklaw nakapaloob ang mahahalagang ikutang pangyayari sa pinagdaanan ng haciendang ito ng mga Dominikano: una, ang pagkakabuo mula sa mga donasyong lupa hanggang sa paglawak dahil sa pagbili ng mga bahagi; ikalawa, ang mga naging aktibidad sa hacienda na nakasentro sa produksyong agrikultural; ikatlo, ang kinahinatnan ng hacienda sa ilalim ng pagpapatupad ng Batas Blg. 1120 ng 1904, mas kilala sa tawag na Friar Lands Act; at ikaapat, ang pagpili sa sentro ng hacienda sa Lolomboy para pagtayuan ng escuela reformatoria at nang lumaon, ng asilo para sa may suliranin sa pag-iisip.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

7-15-2022

Share

COinS