Date of Publication

3-16-2024

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Arts in History

Subject Categories

Political History

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

History

Thesis Advisor

Marcelino M. Macapinlac, Jr

Defense Panel Chair

Lars Raymund C. Ubaldo

Defense Panel Member

Fernando A. Santiago, Jr
Jose Victor Z. Torres

Abstract/Summary

Ang kasaysayan ng pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan sa panahon ng Diktaduryang Marcos sa bayan ng Tayabas ay isa lamang sa mga halimbawa ng napakaraming kwento at karanasan ng mga mamamayan na naranasan ang bahaging ito ng ating kasaysayan. Ang kasaysayang ito ay naglalahad sa kung papaano naging bahagi ang mga Tayabasin ng kasaysayan ng panahon ng Diktaduryang Marcos na makagpagbibigay sa atin ng mga karagdagan at bagong kaalaman patungkol sa bahaging ito ng ating kasaysayan. Paksa ng tesis na ito ang mga karanasan ng mga mamamayan ng bayan ng Tayabas mula sa deklarasyon ng Batas Militar noong 1972 hanggang sa pagwawakas ng Diktaduryang Marcos noong 1986. Layunin ng pag-aaral na ito na maisakasaysayan ang mga karanasan ng mga mamamayan ng bayan ng Tayabas partikular ang pang-araw-araw na buhay na nakatuon sa mga tema ng kalusugan, kabuhayan, edukasyon, transportasyon, komunikasyon, libangan, at pakikisalamuha sa ibang tao.

Batay sa resulta ng pag-aaral ay makikita ang magkakaibang pananaw, reaksyon, at karanasan ng mga mamamayan sa naging deklarasyon ng Batas Militar. Dito ay makikita ang pagsuporta at pagtutol sa nangyaring deklarasyon. Nagdulot din ito ng takot at pangamba sa mga Tayabasin. Sa aspeto naman ng pang-araw-araw na buhay ng mga Tayabasin ay makikita ang naging epekto ng mga patakaran at programa na ipinatupad sa ilalim ng Diktaduryang Marcos sa aspeto ng kalusugan, kabuhayan, edukasyon, transportasyon, komunikasyon, libangan, at pakikisalamuha sa ibang tao. Sa pagtatapos naman ng Batas Militar noong 1981 at pagwawakas ng Diktaduryang Marcos noong 1986 ay iba’t iba rin ang naging pananaw at reaksyon ng mga mamamayan sa bayan ng Tayabas. May mga sang-ayon at natuwa dahil tinitingnan nila itong pagbabalik ng kalayaan na nawala dahil sa Diktaduryang Marcos. Sa kabilang banda, nariyan din naman ang mga nanghihinayang dahil para sa kanila ay nagdulot ng kaayusan at disiplina ang Diktaduryang Marcos.

Mga susing salita: Batas Militar, Diktaduryang Marcos, Tayabas, Pang-araw-araw na Buhay

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Marcos, Ferdinand E. (Ferdinand Edralin), 1917-1989; Philippines—Politics and government—1973-1986; Martial law--Philippines; Dictatorship--Philippines--Tayabas (Quezon Province)

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-21-2024

Share

COinS