Date of Publication

8-2025

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Asian Art and Architecture | Painting

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Ernesto V. Carandang, II

Defense Panel Chair

Rhoderick V. Nuncio

Defense Panel Member

Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Jimmuel C. Naval

Abstract (English)

Sa napakaraming bilang ng mahuhusay na pintor na babae, tanging sina Anita Magsaysay-Ho (1914-2012) at Karen Ocampo Flores (1966) mula sa magkaibang panahon ang lubos na nagmarka at nagpatunay bilang mga natatanging pintor. Ang parehong pintor ay may natatanging estilo, midyum, at materyales na ginamit sa kanilang pinta. Isa rin sila sa mga artist na may mahusay na konsepto sa kanilang pinta at higit sa lahat ay may malaking pagmamahal sa Pilipinas. Gamit ang Semyolohiya ni Roland Barthes, Apat na Antas ng Pagsusuri ni Alice Guillermo, at Modipikadong Ideolohikal na Spectrum nina Hans Slomp na iminodipika ni Feorillo Demeterio, sinuri ang piling walong pinta ng dalawang pintor. Sa pamamagitan ng dalawang teoretikal na balangkas na ito, nabigyang-lalim ang pagpapakahulugan at nagkaroon ng komprehensibong pagtalakay sa mga pinta. Sa pagsusuri, nakitang nagpokus si Anita sa rural na pamumuhay ng kababaihan at romantisadong paglalarawan ng kanilang tradisyunal na papel. Habang, ang pinta naman ni Karen Ocampo Flores ay tila nagsilbing instrumento para sa panlipunang pagbabago kung saan ipinakita ang tunay na sitwasyon ng babae buhat sa impluwensya ng kolonyal at patriyarkal na sistema. Mula naman sa walong ideolohiyang politikal, nangibabaw sa pinta ni Anita ang pagiging konserbatibo at liberal habang radikal at moderado (Slomp, Demeterio) naman ang kay Karen Flores. Gayunpaman, pareho naman ang dalawang pintor na may pagpapahalaga sa indibidwal kaysa sa estado dahil sa kanilang mga pintang nagpapakita ng iba’t ibang tagpo sa buhay ng isang kababaihan. Ang nasuring pagkakaiba sa politikal na ideolohiya ay nagpapatunay sa kapangyarihan ng sining na ito ay hindi lamang bilang salamin ng lipunan kundi bilang aktibong tagalikha ng kamalayang panlipunan kung saan ang mga pintor ay hindi lamang nagpapahayag ng kanilang ideolohiya kundi nagiging mga tagatakda rin ng diskurso na humuhubog sa pananaw at kilos ng mga Pilipino, maging ito man ay para sa pagpapanatili o pagbabago ng umiiral na estruktura ng kapangyarihan sa lipunang Pilipino.

Susing-salita: Apat na Antas ng Pagsusuri, babaeng pintor, Ideolohikal na Ispektrum, ideolohiyang politikal, pinta, semyolohiya

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Women painters--Philippines; Women in art; Painting, Philippine; Anita Magsaysay-Ho; Karen Ocampo Flores

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

8-20-2026

Available for download on Thursday, August 20, 2026

Share

COinS