Date of Publication

2025

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Anthropological Linguistics and Sociolinguistics | Comparative Literature

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Feorillo Petronilo A. Demeterio, III

Defense Panel Chair

Deborrah S. Anastacio

Defense Panel Member

Rowell D. Madula
Ramilito B. Correa

Abstract (Filipino)

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa masusing pagsusuri ng adaptasyon ng mga klasikong nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa historikal-pantaseryeng Maria Clara at Ibarra. Ginamit bilang lente ang hermenyutika ni Friedrich Schleiermacher sa pamamagitan ng gramatikal, sikolohikal, at divinatory na rekonstruksyon upang sipatin ang panibagong pagbasa sa mga tauhan, banghay, at ideolohiya ng orihinal na mga nobela. Bukod sa hermenyutika, ginamit din ang Teorya ng Akomodasyon ni Howard Giles upang suriin ang estratehiya ng teleserye sa paggamit ng wika at komunikasyon bilang midyum ng paglalapit ng makasaysayang diskurso sa makabagong manonood. Nakatuon ang pag-aaral sa tatlong pangunahing layunin: una, upang suriin ang mga temporal na pagbabagong isinagawa sa adaptasyon mula sa kolonyal tungo sa kontemporaryong konteksto; ikalawa, upang suriin ang mga estratehiyang hermenyutika at akomodasyon na ginamit sa pagsasakonteksto ng mga orihinal na tauhan, eksena, at temang panlipunan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo; at ikatlo, upang mailarawan kung paanong ang adaptasyong ito ay nagsilbing tulay upang mailapit ang kasaysayan sa mga manonood. Sa pamamagitan ng hermenyutikong pagbasa at sosyolingguwistikong pag-angkop, nalikha ng produksyon ang isang espasyo ng paglalapat at paglalapit kung saan ang diwa ng mga nobela ni Rizal ay naipahayag at tinanggap ng mga manonood. Sa pagsusuri sa temporal na pagbabago, natukoy na ang pagpasok ng tauhang si Klay bilang temporal bridge ang naging dahilan ng banggaan ng ika-19 na siglo at ika-21 siglo. Ang kaniyang pagdadala ng Ingles, modernong wika at progresibong pananaw ay nagbukas ng kritikal na diskurso hinggil sa patriyarkiya, kolonyalismo, at pambansang identidad. Mula rito, napatunayang matagumpay na nailapat ng serye ang historikal na materyal tungo sa makabagong konteksto nang hindi isinasantabi ang sentral na kritika ni Rizal sa kolonyal na panahon. Ipinakita naman sa hermenyutikong pagsusuri na ang Maria Clara at Ibarra sa gramatikal, sikolohikal, at divinatory na rekonstruksyon, ang paglalapat ng mga eksenang nakatuon sa pag-unawa sa panloob na motibasyon ng mga tauhan na nagpapatunay sa kakayahan ng adaptasyon na maunawaan ang may-akda nang higit pa kaysa sa pag-unawa niya sa sarili. Samantalang, sa antas ng diskurso, inilantad sa pamamagitan ng content analysis ang mga estratehiyang convergence at divergence sa paggamit ng Ingles, modernong wika, at kolokyal na Tagalog ni Klay upang sadyang lumikha ng tensyon sa pakikipag-usap sa mga tauhan sa nobela. Ang madalas at intensyonal na code-switching ay nakita bilang komentaryo sa panlipunang gahum sa wika. Napatunayang ang teorya ng akomodasyon ay nagagamit hindi lang upang ipaliwanag ang interpersonal na akomodasyon kundi pati ang mas malawak na pag-aangkop ng produksyon sa inaasahan ng madla.

Abstract Format

html

Abstract (English)

"-"

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Jose Rizal, 1861-1896. Noli me tangere; Jose Rizal, 1861-1896. El filibusterismo; Maria Clara at Ibarra (Television program); Television adaptations

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

10-15-2026

Available for download on Thursday, October 15, 2026

Share

COinS