Date of Publication
10-2023
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Feorillo Petronilo A. Demeterio III
Defense Panel Member
Rhoderick V. Nuncio
David Michael M. San Juan
Abstract/Summary
Pinag-aralan sa tesis na ito ang buhay at pulosa ni Totoy Bato gamit ang Pantawang Pananaw ni Rhoderick Nuncio. Nabanggit sa pag-aaral na ang pulosa ay orihinal na musikang nagmula sa mga Kapampangan na kadalasang inaawit nang biglaan. Kilala ang pulosa sa Pampanga bilang paraan ng pagtatanghal tuwing may pista o programa sa komunidad. Sa ganitong uri ng musika nakilala si Totoy Bato ng maraming Kapampangan. Nilayon ng pag-aaral na maipakita kung paano sinasalamin ni Totoy Bato at ng kaniyang mga pulosa ang kaakuhang Kapampangan. Kasama sa mga tiyak na suliranin ang pagkilala kay Totoy Bato at sa mga lantad na tema ng mga pulosang kaniyang nabuo at pag-unawa sa kung papaano sinasalamin ng mga pulosa ni Totoy Bato ang wika, kultura, at identidad ng mga Kapampangan gamit ang Pantawang Pananaw ni Rhoderick Nuncio. Sa huli, matapos ang tematikong analisis sa mga napiling pulosa, nangibabaw ang mga temang nakatatawa, pampag-ibig, at buhay at pamilya. Napagtanto sa pag-aaral na naglalaman ang mga pulosang may temang nakatatawa ni Totoy Bato ng mga paksang umiinog sa seksismo at komodipikasyon sa kababaihan. Nagpapatunay lamang na may magkaibang pagtanggap ang magkaibang panahon ng mga tagapakinig. Nabigyang-linaw din ang pinag-ugatan ng ganitong klase ng mentalidad ng mga Kapampangan na kung tutuntunin ang pinagmulan ay makikita ang mga historikal na tala ng pagiging likas na bukas na kaisipan ng mga Kapampangan sa mga usaping sekswal.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Sexism; Rodolfo Laxamana; Music--Philippines--Pampanga
Recommended Citation
Manarang, O. Z. (2023). Si Totoy bato, ang pulosa, at ang kaakuhang Kapampangan: Pagsusuri sa buhay at pulosa ni Totoy bato gamit ang pantawang pananaw ni Rhoderick Nuncio. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/23
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
11-6-2023