Date of Publication
8-2023
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Digital Communications and Networking | Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Chair
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Member
Rowell D. Madula
David Michael M. San Juan
Abstract/Summary
Sa panahong digital kung saan nagananap ang proseso ng pagpasa ng impormasyon gamit ang mga kompyuter at iba pang midyum ng teknolohiya bilang daluyan ng komunikasyon, ang email ang isa sa karaniwang paraan ngayon ng pakikipag-ugnay sa elektronikong paraan. Mahalaga ang papel at tungkuling ginagampanan ng komunikasyon sa mga opisina sa iba’t ibang sektor ng lipunan lalo na sa mga institusyong pang-edukasyon. Ang mabisa at malinaw na komunikasyon ay nakatutulong upang magkaintindihan at magkaroon ng matiwasay na samahan ang mga miyembro ng isang organisasyon. Sa gitna ng pandemya, ang email communication ay siyang pangunahing paraan ng komunikasyon sa mga institusyong pampaaralan. Ang pag-shift ng plataporma ng pagtuturo mula sa face-to-face patungong online distance learning ay nangailangan ng mas mabilis, ekonomiko at mabisang midyum ng komunikasyon na maaaring gamitin sa pakikipag-usap sa pagitan ng mga mag-aaral at kanilang mga guro, sa pagitan ng mga guro, kapwa guro at administrasyon, at sa pagitan ng iba pang mahahalagang departamento at opisina sa mga paaralan. Ang komunikasyon gamit ang email ang siyang naging midyum para maipaabot ang mga mensahe at impormasyon na kinakailangan sa mga paaralan. Kasabay ng pagiging gamitin ng email bilang isang paraan ng pakikipag-usap kasabay ng pagbabago sa plataporma ng edukasyon mula sa interaksyong face-to-face patungo sa online distance learning, may mga gawi at isyu na umuusbong sa mga institusyong pampaaralan na nasanay sa komunikasyong nakaimprenta. Layunin ng pananaliksik na ito na alamin ang atityud at saloobin ng ilang kawani ng La Salle Green Hills tungkol sa paggamit ng mga ng mga email communication sa panahon ng pandemya at ang mga gawi, isyu, at mungkahing protokol sa pagpapadala, pagtanggap at pagtugon sa paggamit ng mga email bilang pangunahing midyum ng komunikasyon.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
139 leaves
Keywords
Electronic mail messages
Recommended Citation
Gurung, M. B. (2023). Atityud at saloobin sa mga email communication ng mga piling kawani ng La Salle Green Hills: Gawi, isyu, at mungkahing protokol. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/20
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
8-11-2023