Date of Publication
7-2023
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Film and Media Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
David Michael M. San Juan
Defense Panel Member
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Rhoderick V. Nuncio
Abstract/Summary
Ang mga Kapampangan ay nagtataglay ng isang malalim na pagkakakilanlan na nagpapakita ng kanilang wika, kultura, at pagpapahalaga sa mga tradisyon at paniniwala. Ang kanilang mga katangiang ito ay nagpapahayag ng kasaysayan, pagkakakilanlan, at kaugalian ng mga Kapampangan bilang isang etnikong pangkat sa Pilipinas.
Gamit ang semiyolohiya ni Roland Barthes, sinuri ng papel na ito ang dalawang pelikula na kilala sa Pampanga, ang Ari: My Life with a King at ang Manoro: The Teacher, ang mga ito ay may kinalaman at umiikot sa wika, kultura at identidad ng mga Kapampangan. Maliban dito, ang dalawang pelikula ay mayroong mga imahe na sumasalamin sa mga isyung panlipunan na lantad sa kanilang mga dayalogo, sa simbolo rin ng mga tauhan at sa mga kaganapan sa pelikula. Ipinakita at pinatunayan ng pagsusuri na ang mga pelikulang Kapampangan ay hindi lamang isang anyo ng libangan kundi isang sining na naglalarawan at nagbibigay-halaga sa kultura at identidad ng mga Kapampangan. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga tanda at simbolo, ang mga pelikula ay nagpapahayag ng mga katangian, paniniwala, tradisyon, at kaugalian ng mga Kapampangan. Ang mga imaheng napili at napalutang sa dalawang pelikula ay inilapat din sa ilalim ng pitong retorikal na estratehiya ni Barthes.
Mga Susing Salita: Identidad, Kapampangan, Kultura, Pelikulang Kapampangan, Pitong Retorikal na Estratehiya, Semiyolohiya
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
xii, 212 leaves
Keywords
Motion pictures--Pampanga (Philippines); Culture--Philippines; Pampanga (Philippines)
Recommended Citation
Dela Cruz, J. B. (2023). Ari at manoro: Semiyolohikal na pagsusuri sa mga piling pelikula mula sa Pampanga. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/18
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
8-8-2023