Date of Publication

8-11-2023

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures | Politics and Social Change

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

David Michael M. San Juan

Defense Panel Chair

Feorillo A. Demeterio III

Defense Panel Member

Jonathan V. Geronimo
Maria Lucille G. Roxas

Abstract/Summary

Bahagi na ng pamumuhay ng mga tao ang pagkilatis bilang daan upang makabuo ng isang desisyon, mga pagkilatis na maaaring iugnay sa pansariling panlasa, husga ng masa, o ‘di kaya naman ay resulta ng isang masususing pag-aanalisa. Kaugnay ng pag-aaral na ito ang usaping may kinalaman sa pagkilatis at ang prosesong pinagdadaanan ng isang materyal lalo pa’t iyong nakakaapekto sa buhay at danas ng nakararami. Naging bahagi na ng buhay ng nakararami ang usaping politikal, lalo pa’t isang di matapos-tapos na diskusyon ang kaugnay ng nasabing konsepto lalo pa’t ang bagay na ito ay may kaugnayan sa lahat ng sektor ng lipunan. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon ang pansin sa pag-aanalisa ng mga politikal na materyal ng mga piling tumakbo sa pagka-pangulo noong nakaraang Eleksyon 2022; espispiko sa mga kandidatong sina; Ka Leody, Bongbong Marcos at Leni Robredo. Layunin ng pananaliksik na ipakita ang ugnayan ang mga materyal na nakasapubliko sa pangmasang-midya sa naging politikal na karera ng mga nabanggit na politiko. Bahagi ng pag-aaral ang pag-aanalisa sa mga materyal sa pamamagitan ng teoryang Packaging Politics ni Galloway (2012) at ang uri ng mga politiko batay sa nabuong balangkas. Ang mga materyal na ginamit ay nakasandig sa dalawang uri ng materyal; larawan/poster at bidyo lahat ng mga napiling materyal na kumakatawan sa buwan na sakop ng opisyal na buwan ng kampanya ay dumaan din sa proseso ng pagsasala ng mga inaning komento bilang batayan ng pagtanggap ng masa. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ang paggamit sa pangmasang-midya bilang instrumento sa kampanya ay isang gawaing dapat tutukan ng mga nagtatangkang tumakbo sa politika lalo pa’t may malaking ambag ito sa politikal na karera ng isang kumakandidato gaya na lamang ng naging resulta ng pag-aaral. Gayunpaman, sa kabila ng kapangyarihang taglay nito nararapat din na masigurado ng isang tumatakbo kung paano ito tatanggapin ng masa lalo pa’t doon magsisimula ang pagkilos at pakikisangkot. May malaking hamon ang pananaliksik na ito hindi lamang sa mga nagtatangkang tumakabo ngunit lalo’t higit ay sa mga tagasuporta na pawanag nakakikita, at nakababasa ng mga politikal na materyal--higit na dapat isaalang-alang ang pagiging kritikal sa lahat ng bagay lalo pa’t lahat ng mga usapin at suliraning panlipunan ay nag-uugat sa kung paano magpasya at kumilala ang mga taong kabilang sa isang lipunan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

262 leaves

Keywords

Presidential candidates--Philippines; Elections--Philippines; Mass media; Social media

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

8-10-2024

Share

COinS