Date of Publication

8-11-2023

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Music

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Rhoderick V. Nuncio

Defense Panel Chair

Rowell D. Madula

Defense Panel Member

Dexter B. Cayanes
Raquel E. Sison-Buban

Abstract/Summary

Gamit ang teorya ng performativity ni Judith Butler at ang konsepto ng ideolohiya ni Althusser bilang teoretikal na lunsaran, sinisiyasat sa pag-aaral na ito ang masalimuot na interplay ng ideolohiyang panlipunan at pagtatanghal ni Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang sarili sa konstruksyon ng imahe ng lokal na pop diva at ang mga signipikasyong kaakibat at isinisawalat nito. Layon ng pag-aaral na ito ang talakayin ang mga sumusunod na suliranin: (1) ang konstruksyon ng imahe ni Regine bilang diva batay sa tradisyong pangmusika na kanyang pinagmulan at kasaysayang pangkarera; (2) ang pagtatanghal ng kanyang persona bilang diva sa katawan ng kanyang mga gawang pangmusika, at (3) ang mga signipikasyong isinisiwalat ng imahe ni Regine at ng pop diva hinggil sa lipunang Pilipino. Tekstwal na pagsusuri ang primaryang metodolohikal na dulog na ginamit sa pag-aaral. Bukod sa pagtalakay sa kanyang transpormasyon at naging karera, sinuri ang 68 na awitin mula 1986 hanggang 2021 ayon sa kanilang tema upang mabigyan ng pagkakakilanlan ang personang itinatanghal ni Regine sa mga awiting ito.

Bukod sa kanyang karanasan, produkto si Regine ng mga indibidwal at organisasyon na nagtulak sa pag-usbong ng kanyang karera. Produkto rin siya ng kanyang materyal na kondisyon, at sa pag-usad ng kanyang ekonomikal na mobilidad, nabuo ang kanyang artistikong identidad at agency sa pagkontrol ng kanyang mga malikhaing awtput at ng kanyang imahe hanggang sa pangangasiwa ng kanyang karera. Taglay naman ng kanyang musika ang personang naikintal sa kolektibong kaisipan at pantasya ng lipunan: ang Diyosa o Diva ng Pag-ibig, Pangarap, at Pag-asa. Sa kanyang imahe, boses at mga awitin, nabibigyang representasyon ang lahat ng pagnanasa, aspirasyon, at pasakit ng mga taong umiibig at nangangarap. Dahil isang subersibong pigura ang diva at may kaakibat na kapangyarihan, binibigyan nito ng empowerment ang mga taong nakakaidentipika sa kanya, partikular ang mga Naiiba o Other/ed sa lipunan tulad ng mga bakla, na igiit ang kanilang indibidwalidad. Sa kabilang banda, ang mitolohisasyon ng kanyang transpormasyon at pag-angat ng antas ng pamumuhay ay ang pagkikintal ng posibilidad ng personal na mobilidad sa ilalim ng neoliberal-global-kapitalistang lipunan. Nakasandig man at binibigyang kapangyarihan ang mga Naiiba at mga ordinaryong mamamayan sa patriyarkal at neoliberal-global-kapitalistang lipunan, ang lokal na diva ay nagdidisiplina ng mga pagnanasa't aspirasyon, politikal man o personal, sa paraang mapapanatili pa rin ang panlipunang kaayusan o ang status quo.

Mga Susing Salita: star studies, diva, Regine Velasquez-Alcasid, konstruksyon, imahe, signipikasyon, performativity, ideolohiya

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

321 leaves

Keywords

Popular music--Philippines; Prima donnas (Singers)--Philippines; Regine Velasquez-Alcasid

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

8-11-2024

Share

COinS