Date of Publication
8-12-2024
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Business
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Chair
David Michael M. San Juan
Defense Panel Member
Raquel E. Sison-Buban
Dexter B. Cayanes
Abstract/Summary
Pinag-aralan sa tesis na ito ang naratibo ng 10 ahenteng nagtatrabaho sa industriya ng BPO sa Kalakhang Maynila sa panahon ng pandemiyang COVID-19. Layunin ng pag-aaral na ito na (1) masuri ang mga agam-agam bago sinimulan ang pagtatrabaho ng WFH mula on site at WFH, (2) mailatag ang mga naratibo ng agam-agam ng mga piling ahente sa industriyang BPO, (3) matukoy ang Sigla, Oportunidad, Aspirasyon at Resulta batay sa mga suliranin, hamon, at karanasan ng mga piling ahente kung paano nila hinarap ang pagbabago sa paraan ng pagtatrabaho gamit ang SOAR Analysis nina Stavros at Hinrich. Gamit ang Narrative Analysis, sinuri ang mga naratibo ng agam-agam mula sa karanasan ng mga piling ahente sa pagsisimula ng WFH sa kanilang mga bahay batay sa naratibo nila sa simula,kasalukuyan, at mga pangarap na gustong mangyari sa WFH sa hinaharap. Lumitaw sa mga naratibo ng mga ahente ang mga agam-agam tulad ng maaring pagkatanggal sa trabaho, mahirapang mag-pokus dahil sa espasyo, at marami pang iba. Lumitaw din ang pagkakaiba ng pagtatrabaho sa on site at WFH, mga polisiyang ipinatutupad sa opisina upang magkaroon nang maayos na kondisyon sa pagtatrabaho. Mula sa kanilang mga agam-agam, maraming mga pangarap na nabuo upang mas mapabuti ang kondisyon sa pagtatrabaho sa bahay kahit matapos ang pandemiyang COVID-19.
Mga susing salita: Agam-agam, Narrative Analysis, ahente, BPO, SOAR Analysis
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Work environment—Philippines—Metro Manila; Contracting out--Philippines--Metro Manila; COVID-19 Pandemic, 2020—Philippines
Recommended Citation
Trajano, B. D. (2024). Ang pagsusuri sa naratibo ng agam-agam mula sa mga piling ahente ng BPO sa kalakhang Maynila ukol sa "Work From Home" sa panahon ng new normal. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/25
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
8-12-2024