Halili ng tahanan: Saloobin, pananaw at danas ng limang panganay na anak sa konsepto ng pagpaparaya sa pamilyang Pilipino
Date of Publication
8-12-2023
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Family, Life Course, and Society | Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Honor/Award
---
Thesis Advisor
Maria Lucille G. Roxas
Defense Panel Chair
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Member
Alona J. Ardales
Lakangiting C. Garcia
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maitanghal ang karanasan ng pagpaparaya mula sa perspektibo ng mga panganay na anak. Inilatag sa pananaliksik na ito ang pagpapakahulugan ng pagpaparaya, mga karaniwang ipinagparaya o ipinagpaparaya ng panganay, ang mga dahilan sa pagpaparaya, pananaw at damdamin tungkol dito, mabubuti at masasamang epekto sa sariling buhay ng panganay na nagpaparaya, mabubuti at masasamang epekto ng pagpaparaya ng panganay sa kanyang kapatid at magulang, at ang pagpaparaya sa labas ng konteksto ng pamilya. Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng dalawang babae at tatlong lalaki na nasa edad tatlumpu (30) pataas. Ang pag-aaral ay isinasagawa sa Laguna. Sa pamamagitan ng pakikipanayam at pakikipagkwentuhan sa mga kalahok nakalap ang mga datos at isinailalim sa Thematic Content Analysis. Ayon sa resulta ng pananaliksik, ang pagpaparaya ay positibong ugali na pangkaraniwan na ipinapakita ng panganay sa pamilya. Ang pagiging mapagparaya ng panganay ay bunga ng ekspektasyon ng mga magulang o kaya ng sariling pag-ako ng obligasyon bilang siya ang panganay sa pamilya kahit ang sariling ambisyon ay nagagawang ipagparaya para sa pamilya. Ang ipinagpaparaya ay karaniwan na materyal na bagay tulad ng pera ngunit may aspeto rin ito na pandamdamin at pangkabatiran tulad ng pagpapatawad at pagpapasensya.
Susing salita: pagpaparaya, panganay, pamilyang Pilipino, pakikipanayam, pakikipagkuwentuhan
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
159 leaves
Keywords
Families--Philippines; First-born children--Philippines
Recommended Citation
Orense, J. S. (2023). Halili ng tahanan: Saloobin, pananaw at danas ng limang panganay na anak sa konsepto ng pagpaparaya sa pamilyang Pilipino. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/22
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
8-11-2023