Date of Publication

2023

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures | Social Media

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Feorillo Petronilo A. Demeterio III

Defense Panel Chair

Rowell D. Madula

Defense Panel Member

Leslie Anne L. Liwanag
Dexter B. Cayanes
Rowell D. Madula

Abstract/Summary

Pinag-aralan sa papel na ito ang mga pagkakaiba at pagkakapareho ng mga piling Pilipinong thirst trapper mula sa YouTube. Itinuturing ang YouTube bilang isang participatory culture. Naging makapangyarihan at kapaki-pakinabang ang YouTube sa pagbibigay ng bagong plataporma hindi lamang sa mga batikan na sa larangan ng midya kundi maging sa mga baguhan o amateur pa lamang sa paggawa ng mga personal na bidyo. Habang patuloy na umuunlad ang mundo ng social media, lalo pang naging laganap ang paggamit ng self-sexualization at nagluwal pa ito ng bagong konsepto na mas kilala ngayon sa tawag na thirst trap. Isang halimbawa ang thirst trap ng isang mas pinalawig na selfie culture, madalas itong isang uri ng larawan na ginagamit upang akitin at hikayatin ang mga tao na purihin ang kanilang seksing katawan. Ang papel na ito ay isang eksploratoryong pagsusuri ng karakterisasyon ng thirst trap ng mga piling Pilipino sa YouTube. Sinuri sa papel na ito ang mga bidyo ng dalawampung (20) Pilipinong thirst trapper sa YouTube. Sa kabuuang pagdalumat ng konsepto ng self-sexualization gamit ang thirst trap sa YouTube, hangad ng papel na ito na makapagbukas ng bagong diskurso tungkol sa napapanahong paksang ito. Magagamit ang resulta ng pag-aaral upang mapalawak ang diskurso na may kinalaman sa new media, self-sexualization at sa iba pang mga disiplina.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

448 leaves

Keywords

Vloggers--Philippines; Male strippers--Philippines

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

7-7-2023

Share

COinS