Date of Publication

2023

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Film and Media Studies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Rhoderick V. Nuncio

Defense Panel Chair

Rowell D. Madula

Defense Panel Member

Raquel E. Sison-Buban
Dexter C. Cayanes

Abstract/Summary

Mula pa noon, patuloy na inilalarawan ang mga lalaki sa pelikula bilang marahas, sekswal, matapang, at iba pang katangiang pumapaloob sa isang patriyarkiyang sistema. Sa pagsusuri sa kung paano ipinapakita sa mga pelikula ang toxic masculinity, pinili ng mananaliksi ang mga pelikula kaugnay sa konsepto ng toxic masculinity na a.) batay sa genre romcom, romance drama, action; b.) batay sa protrayal na lalaki ang isa sa pangunahing karakter; at c.) batay sa social function ng karakter na nakabatay sa lipunang kaniyang ginagalawan (pagsusuri ng social roles ng lalaki vis-à-vis pamilya niya, karelasyon, kaibigan, katrabaho, at iba pa). Ang mga pelikulang ito ang ay “Hello, Love, Goodbye” (2019), A Second Chance (2015), at Ang Panday (2017). Sa pagsusuri ng nilalaman ng mga pelikula, ang mga tauhang ginampanan ng mga lalaking artista ay sasailalim sa pagsisiyasat, partikular na nakatuon sa kung paano sila inilarawan at ipinakita sa pamamagitan ng kanilang: pisikal na katangian, katayuang sosyo-ekonomiko, wika, personalidad at pag-uugali, at interpersonal na relasyon. Ang pagbibigay naman ng kahulugan ay nagmula sa nilalaman ng midya na nilapatan ng mga konsepto ng katanyagan (prominence), pagtrato (treatment), at tono (tone). Ang mga natukoy na representasyon ng mga karakter at ang pagtukoy sa katanyagan, pagtrato at tono, ay sinuri sa ilalim ng pagpapakahulugan ni Kupers ng toxic masculinity. Isiniwalat na, sa siyam na karakter na sinuri sa mga pelikula, nagpakita ang mga ito ng pag-unlad at pagbuti pagdating sa representasyon ng mga lalaki. May pagtatangkang kumawala sa nakasanayang paglalarawan ng lalaki sa pelikula. Ngunit marami pa rin sa mga representasyong ito ang naglalaman ng problematiko at isteryotipong pagtingin sa kalalakihan na naglilimita sa saklaw ng ideya na bumubuo ng mga persepsyon ng mga tunay na lalaki.

Mga susing salita: Toxic Masculinity, Representasyon ng Kalalakihan, Kategorya ng Pagkalalaki, Krisis ng Pagkalalaki

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

v, 117 leaves

Keywords

Masculinity in motion pictures

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-7-2022

Share

COinS