Date of Publication
7-9-2023
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Feorillo Petronilo A. Demeterio III
Defense Panel Chair
David Michael M. San Juan
Defense Panel Member
Dexter M. Cayanes
Leslie Anne L. Liwanag
Abstract/Summary
Nag-ugat ang makasaysayang lugar ng Meycauayan sa taguring ‘makawayan’ kung saan pinaniniwalaang itinatag dito ang simbahang yari sa nipa at kawayan. Dahil sa natatangi nitong kasaysayang heograpikal na nagpapatunay sa pag-unlad ng lugar matapos hirangin bilang lungsod noong 2006 bunsod ng maraming industriyang itinatag dito at malapit sa kalunsuran ng Metro Manila, nagsilbing batis din ito ng mayamang karanasan at kuwentong pangkalinangan na naipapahayag sa pamamagitan ng wika. Isa sa tampok na industriya rito ay ang pag-aalahas na nagsilbing mga batis ng kabuhayan ng buong lungsod bukod sa balat (leather goods), handicrafts, mga pabrika ng kendi, sabon at biskwit. Bagamat kinilalang tanyag ang Meycauayan sa industriyang pag-aalahas ay ang unti-unting pagtamlay nito sa paglipas ng panahon. Mangilan-ngilan na lamang ang nagpapatuloy at nagtataguyod ng kanilang kabuhayang bansag sa kanilang lugar.
Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang industriya sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga kapital na taglay ng mga piling mag-aalahas. Sasagutin ito sa tulong ng mga tiyak na layunin: 1) Ano-ano ang mga dominanteng kapital sa link ng papasok na logistics?; 2) Ano-ano ang mga dominanteng kapital sa link ng operasyon?; 3) Ano-ano ang mga dominanteng kapital sa link ng papalabas na logistic?; 4) Ano-ano ang mga dominanteng kapital sa link ng pagmamarket at pagbebenta? Inilapat ang teoryang kapital ni Pierre Bourdieu na nagsilbing gabay sa pagsisiyasat sa makabuluhang danas ng mga piling mag-aalahas at nakabalangkas sa value-chain process ni Michael Porter.
Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga dominanteng naratibo ng kapital gaya ng naratibo ng likas na pagtatamo ng kasanayang pampag-aalahas, naratibo ng impluwensyang kapital, at naratibo ng ekonomikal na kapital na nagsilbing sanligan ng mga kalahok sa pagsisimula at pagtataguyod ng kultural na industriya. Napag-alaman din ang mga naratibo sa link ng operasyon na kumakatawan sa kasanayang pamplatero at mananara na nagsasaad ng mga pangunahing pamamaraan sa paglikha ng alahas. Lumitaw rin ang mga naratibo ng ugnayang-kliyente-mag-aalahas at naratibo ng katanyagan na siyang nakapagpatibay ng kanilang ugnayan sa mga kostumer ng mag-aalahas; at nasuri rin ang mga naratibo ng pagawa, remedyo at pasadya na pangunahing bentahe ng mga kalahok sa kapanatilihan ng buhay na industriya ng makasaysayang pag-aalahas. Nagsilbing mahahalagang praktis at ideolohiyang kultural ang mga natuklasang karanasang ito tungo sa makabuluhang kalinangang pambayan at lokal na industriyang nakakabit sa makasaysayang lugar.
Mga Susing Salita: Pag-aalahas, Platero, Value-Chain Process, Teorya ng Kapital, Naratibo ng Kapital
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
152 leaves
Keywords
Jewelry--Philippines--Bulacan
Recommended Citation
Villejo, V. B. (2023). Kuwentong pag-aalahas: Ang dinamika ng mga kapital sa danas ng mga mag-aalahas ng Meycauayan, Bulacan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/16
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
7-9-2023