Date of Publication

1-2022

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Honor/Award

Gold Medal for Outstanding Thesis

Thesis Advisor

Feorillo Petronilo A. Demeterio III

Defense Panel Chair

Raquel E. Sison-Buban

Defense Panel Member

Aurora E. Batnag
Teresita F. Fortunato

Abstract/Summary

Pinag-aralan sa papel na ito ang mga buhay at kaisipan ng tatlong Pilipinong lingguwista: Bonifacio P. Sibayan (1916-2005), Ernesto A. Constantino (1930-2016), at Andrew B. Gonzalez, FSC (1940-2006) sa lente ng pilosopikal na hermeneutika ni Hans-Georg Gadamer (1900-2002). Ipinalagay ni Gadamer na ang bawat isang inidibidwal ay may sariling “abot-tanaw” o ang saklaw ng kaniyang paningin mula sa isang partikular na punto de bista, kabilang na ang mga kaalaman, damdamin, at prehuwisyong lagi niyang bitbit sa anomang akto ng pag-uunawa. Ayon kay Gadamer, ang mga indibidwal na abot-tanaw ay may kakayahang magsanib sa isang diyalogo na ang layuni’y isang komung pag-unawa. Sang-ayon dito, tinangka ng pag-aaral na itong alamin ang saysay ng mga kaisipan ng isang Pilipinong lingguwista at basahin ito mula sa pananaw ng dalawa pang Pilipinong lingguwista. Nilayon ng pag-aaral na: 1) isalaysay ang pag-usbong nina Sibayan, Constantino, at Gonzalez sa pagiging lingguwista; 2) ilahad ang mga kaisipan ng tatlong lingguwista hinggil sa mga wika ng Pilipinas; 3) ilarawan ang mga pagkilos nina Sibayan, Constantino, at Gonzalez hinggil sa wikang panturo sa sistemang pang-edukasyon; at 4) tukuyin ang mga pagkakasundo at hindi pagkakasundo ng mga pananaw ng tatlong pantas mula sa diyalohikong pagbasa. Sa huli, ipinakita ng papel na sa kabila ng radikal na pagkakaiba-iba at mga hindi pagkakasundo ng tatlong lingguwista sa kanilang mga ideya, mayroon pa ring mga pagkakasundong mainam na tingnan at pahalagahan. Tinasa rin ang kanilang mga ideya sa konteksto ng mga kasalukuyang usaping pangwikang kinahaharap ng mga Pilipino na siyang nagpatunay sa kahalagahan at kabuluhan ng muling pagbubungkal sa kanilang mga kaisipan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

[viii], 254 leaves

Keywords

Linguistics--Philippines; Language planning; Hermeneutics; Sibayan, Bonifacio P., 1916-; Constantino, Ernesto, 1930-; Gonzalez, Macario Diosdado Arnedo FSC, 1940-2006; Gonzalez, Andrew, 1940-2006

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

2-16-2022

Share

COinS