Date of Publication

12-19-2022

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Social Media

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Feorillo Petronilo A. Demeterio III

Defense Panel Chair

David Michael M. San Juan

Defense Panel Member

Leslie Anne L. Liwanag
Dexter B. Cayanes

Abstract/Summary

Sa kabila ng mga artikulong naghahatid ng mga tamang impormasyon sa social media kaugnay ng Martial Law, nagkalat pa rin ang mga ebidensyang sumusuporta sa pagiging matagumpay ng Martial Law. Gamit din ang platapormang ito, lumilikha ng bagong “katotohanan” ang mga maka-Marcos upang mabago ang imahe ng kanilang patron. Sa pag-aaral na ito, sinuri ang mga maka-Marcos na video gamit ang Semiotics ni Roland Barthes. Ang pagtukoy sa kahulugan ng sign o senyas na nangibabaw sa mga piling YouTube video ay dumaan sa proseso ng pag-alam sa denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan nito. Sa ginawang pagsusuri sa denotatibong aspeto, lumalabas na walang tiyak at matibay na sanggunian o pag-aaral ang mga datos na inilahad sa mga video upang maging sandigan ng mga pala-palagay ng mga vlogger at/o YouTube Channel. Ipinakikita rin sa kabuuan ng pagsusuri na inilalahad ng mga piling video na ito ang mga magandang katangian, mga kakayahan, nagawa at plano ni Marcos sa Pilipinas upang mabago ang negatibong imaheng hatid ng Martial Law. Gamit naman ang retorikal na estratehiya ni Barthes, hinimay ang konotatibong pagpapakahulugang nakatago sa nilalaman ng mga nasabing video. Mula sa pitong (7) retorikal na estratehiya, nangibabaw ang estratehiyang tautolohiya bilang paraan ng pag-atake ng mga vlogger at/o YouTube Channel sa mga manonood. Ang pagdadahilan at pagpapaliwanag sa pamamagitan ng pagbigkas muli sa mga bagay na nangangailangan din ng kadahilanan at paliwanag ay malinaw na naipakita sa nilalaman o content na kanilang nilikha. Sa kabuuan ng pagsusuri, ang paglitaw ng sinasabing “katotohanan” ng mga maka-Marcos batay sa inilahad nila sa mga piling YouTube video ay pawang manipulasyon sa mga tagapanood upang palitan ang negatibong imahe ng Martial Law. Gayundin, ang mga ganitong uri ng YouTube video ay isang manipestasyon na tunay na laganap ang fake news o maling impormasyon sa social media.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

[xi], 191 leaves

Keywords

Internet videos; Martial law--Philippines; Ferdinand E. Marcos, 1917-1989

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-14-2023

Share

COinS