Date of Publication

12-16-2022

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Community-Based Research | Nonfiction

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Raquel E. Sison-Buban

Defense Panel Chair

Rhoderick V. Nuncio

Defense Panel Member

Dolores R. Taylan
Rowell D. Madula

Abstract/Summary

Bilang panimulang pag-aaral at bunsod ng malaking kahingian sa mga literatura tungkol sa seafaring, ang pag-aaral na ito ay nagbigay-kasagutan sa mga pangangailangan patungkol sa danas ng mga tripulante partikular sa mga kababaihang tripulante. Lima ang sabjek ng risertser para sa pag-aaral na ito at sila ang mga napili sa dahilang sila ay mga nakasama at naging lubos na kakilala ng risertser. Bukod sa pagiging kasama sa trabaho sa barko, kahit na sila ay nasa ibang departamento, naging komportable magka-kuwentuhan ng mga usaping labas sa trabaho. Buhay bago ang pagbabarko, mga karanasang marahil karaniwan ngunit malaking bahagi ng kanilang pagkatao at suliranin sa buhay. Pinili na lamang itago sila sa ibang pangalan dahil may mga sensitibong bahagi ang kanilang mga kuwentong-buhay. Sa pag-aaral na ito, inilarawan ang mga “danas” sa buhay sa cruise ship lalo na ng kababaihang nangangarap magtrabaho rito. Hinimay ang mga karanasan sa bawat aspekto ng buhay ayon sa mga kababaihang tutugon sa pag-aaral na ito kasama ang sulyap sa kanilang naging karanasan at pakikipagsapalaran sa cruise ship. Inilarawan rin ang buhay at kultura ng pagiging crew sa cruise ships sa likod ng mga pilit na ngiti at mabigat na trabaho. Malaki ang maitutulong nito sa mga crew na gaya ng risertser na mabigyan ng kaukulang pag-aaral at pagpapaintindi ang kanilang napiling karera sa buhay sa mga walang karanasan sa pagbabarko o sa mga hindi seafarer.

Dahil sa mataas ang pangangailangan ng mga kumpanya ng barko ng mga empleyado, hindi lamang mga kalalakihan ang kanilang tinatanggap para maging seaman kundi pati na rin mga kababaihan kaya’t nabuo ang salitang seafarer upang umayon sa kahingian ng panahong maging politically correct. Sa kasalukuyan, parami nang parami ang mga ahensiya at kumpanyang naghahanap ng tao para pasampahin sa barko at gayun din naman ang mga aplikante na gustong makapagtrabaho sa barko. Hindi nga naman kaila sa lahat na kasama sa trabaho ng pagiging isang tripulante ang paglibot sa iba’t ibang parte ng mundo. Naging pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ang pagsipat sa mga kuwento ng pakikipagsapalaran ng mga kababaihang tripulante at kung bakit nila piniling makipagsabayan sa isang karerang itinuturing na panglalaki lamang. Ginamit ang teorya ni Judith Butler na Gender Performativity, tinalakay ang iba’t ibang isyu at hamong kinakaharap ng mga Pilipinang tripulante sa cruise ship gaya ng kaibahan ng buhay sa lupa at sa tubig habang nakasampa, ang tingin ng mga iba’t ibang lahi sa mga kababaihan at kung ano ang lakas at kahinaan ng mga kababaihan sa pagsampa. Samantala, ginamit naman ang kuwentong-buhay bilang metodo sa pagkuha ng datos na siyang ginamit ding teksto ng pananaliksik. Nakapagbigay ng mga kuwento tungkol sa kanilang naging buhay sa cruise ship at ang buhay nilang kinaharap matapos ang pagsampa, pati na rin ang buhay na kanilang kinakaharap ngayon sa panahon ng pandemiya. Marami pang riserts na maaaring pag-aralan tungkol sa cruise ships. Isa lamang ito sa dami na maaaring gawing pag-aaral sa larangang ito.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

177 leaves

Keywords

Seafaring life; Filipino diaspora; Cruise ships

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-15-2022

Share

COinS