Date of Publication

9-3-2021

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Feminist, Gender, and Sexuality Studies | Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Honor/Award

Outstanding Thesis Award

Thesis Advisor

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

Dolores R. Taylan

Defense Panel Member

Raquel E. Sison-Buban
Rhoderick V. Nuncio

Abstract/Summary

Ang kuwentong pambata, lalo na ang mga nasa anyong picture books ang isa sa pinakamaunlad na anyo ng panitikan sa bansa dahil sa pagiging komersyalisado ng pagkonsumo nito at sa pedagohikal na gamit nito. Bukod pa sa nagiging bukal ang panitikang ito ng kabutihang asal, pagpapahalaga, at higit na pagkilala sa kapwa at sarili, sa ganitong babasahin din natutuhan ng bata ang kaniyang dapat na anyo, kilos, gawi, at gampanin batay sa kaniyang seks sang-ayon sa gender schema theory.
Upang makatugon sa pangangailangan sa makabuluhang pag-aaral ng kasarian sa panitikan, sinuri ang apatnapu’t tatlong (43) aklat na nailathala ng Adarna House (pinakamasigasig na tagapaglathala ng panitikang pambata sa bansa) noong dekada 2009-2019 o bago magkapandemya. Sa pag-uukol ng tuon sa pagkatha ng tagapaglatahala, naisagawa ang narrative at gender analysis sa gabay ng panunuring malay sa kasarian (PMK) na may feminismong muhon bilang salalayan ng aspektong sinuri sa akda kaugnay sa kasaysayan, lipunan, produksiyon, at pagbabago.
Nasiyasat na nakaakma sa gitnang uring mambabasa ang mga paksa kuwento. Ipinakikita rin ang malay na tindig ng tagapaglathala, manunulat, at ilustrador sa pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian kaya may pagsisikap na maipakita sa mga kuwento ang hatian sa paggawa sa tahanan at hanapbuhay ang babae at lalaki. Kasama na rin dito ang ilang kuwentong nagpakita ng di-kumbensiyonal na representasyon ng babae sa mga akda tulad ng pagiging palaban, matalino, at agresibo. Ngunit sa kabila nito, higit pa rin ang mga tauhan at representasyon para sa mga lalaki habang isteryotipo o de-kahon pa rin pagtingin sa kababaihan.
Sa lahat ng ito, ang pagkatha at pagmamalay ukol sa representasyon ng kasarian sa mga kuwentong pambata ay mayroong implikasyon sa identidad ng kabataan, repleksyon ng realidad, at paghubog ng lipunan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

vii, 392 leaves

Keywords

Children's stories; Gender identity; Feminism; Picture books for children

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

10-1-2021

Share

COinS