Date of Publication
2020
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in Philippine Studies
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Honor/Award
Outstanding Master's Thesis
Thesis Advisor
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Chair
Rowell D. Madula
Defense Panel Member
Rhoderick V. Nuncio
David Michael M. San Juan
Abstract/Summary
Ang papel na ito ay isang Kritikal na Diskursong Analisis sa AlterMidya – People’s Alternative Media Network (AlterMidya), ang pambansa at nag-iisang samahan ng mga alternatibong midya sa Pilipinas. Pangunahing layunin ng pananaliksik na mailarawan kung paano ginagawang alternatibo ng AlterMidya ang pamamahayag sa Pilipinas at makapag-ambag sa napakalimitadong korpus ng mga pag-aaral hinggil sa mga alternatibong midya sa bansa. Gamit ang mga kategoryang konseptuwal ni van Dijk at ang modelong may tatluhang-dimensiyon ni Fairclough, antas-antas na sinuri sa pag-aaral ang kalikasan ng pambansang network mula sa paghimay sa mga balitang inilalathala nito (text), patungo sa proseso ng produksiyon at interpretasyon ng teksto (discourse practice), at hanggang sa mas malalawak na mga situwasyon at kontekstong kultural, politikal, historikal, at sosyal na umiiral sa lipunang Pilipino (socio-cultural practice). Lumabas na ginagawang alternatibo ng AlterMidya ang pamamahayag sa bansa sa pamamagitan ng pagtaliwas sa sistema, kalakaran, nilalaman, at gahum na umiiral sa mga dominanteng midya at pagbuo ng sariling estruktura, kultura, at tradisyon. Inilalarawan ng pambansang network ang lipunan sa pananaw ng mga marhinalisadong pangkat, komunidad, o sektor na karaniwang underrepresented, misrepresented, o unrepresented sa mga naghaharing midya. Gayon din, hindi lamang basta nakakulong ang samahan sa paglalahad ng mga kontra-naratibo sa mga nangingibabaw na kuwento, bagkus gumagampan ito ng isang malaking tungkulin sa progreso ng komunidad, pagbabago ng lipunan, at pagbuo ng bansa.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
[xv], 457 leaves
Keywords
Alternative mass media--Philippines; Journalism
Recommended Citation
Gopez, C. P. (2020). Ang alternatibo sa alternatibong pamamahayag ng altermidya - people's alternative media network. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/10
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
10-14-2021