Date of Publication
1-2021
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Sales and Merchandising
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Dolores R. Taylan
Defense Panel Member
Raquel E. Sison-Buban
Rhoderick V. Nuncio
Abstract/Summary
Bagama’t maituturing na napag-iiwanan sa pagiging industriyalisado ang Navotas kung ihahambing sa ibang lungsod ng Metro Manila ngunit malaki ang ekonomikal na gampanin nito sa kabuuang kalagayan ng Pilipinas. Hindi pinilit at hindi dayuhang gawain ang pagtatag sa lungsod ng Navotas Fish Port Complex o NFPC na tinuturing bilang pangunahing bagsakan ng isda sa bansa. Sa kadahilanan na isang pulo ang Pilipinas kaya malaking salik ang karagatan upang makapagbigay ng trabaho sa Pilipino. Kung gayon, minarapat sa pananalik na pagtuunan ang NFPC bilang sentro ng bentahan ng isda sa Pilipinas. Malawak ang lokasyong sakop ng Navotas Fish Port Complex ngunit ang tanging tuon lamang ng pananaliksik ang limang Market Halls na kung saan nagaganap ang bentahan ng isda. Nilayon ng pananaliksik na sipatin sa pangkalahatang epekto sa katayuan at kabuhasay ng mga Navoteño ang Navotas Fish Port Complex upang masipat ang manipestasyon ng “NavotaAs.” Mas mailalahad ito sa tiyak na pagdalumat ng suliranin: 1) kasaysayan ng Navotas na naging dahilan sa pag-usbong ng bentahan ng isda, 2) proseso ng bentahan sa tiyak na pamilihan ng isda batay sa pag-aaral na socio-economic geography, 3) epekto ng kalagayan ng bentahan sa ilalim ng platapormang “NavotaAs.” Ang mga suliraning nabanggit ang naging batayan upang gamitin na pangunahing teorya ang socio-economic geography sa kabuuang proseso ng bentahan ng isda. Nadalumat na mayroong magkatutulad na proseso ng bentahan sa limang Market Halls ngunit mas malawak ang pagpapadaloy sa Market Hall 1 sapagkat dito nagaganap ang kamada na bentahan ng isda habang karaniwang kada kilo lamang ang bentahan sa natitirang Market Halls. Gayundin, nasipat na malaki ang naibibigay ng NFPC sa aspektong ekonomiko ng Navotas dahil sa mga buwis na binabayaran at malaking bilang ng trabaho na naibibigay sa Navoteño. Samantala, natukoy ng mananaliksik na hindi sapat ang NFPC upang maging manipestasyon sa mga Navoteño ang platapormang NavotaAs sa lungsod. Naipakita ang
talaban ng gampanin sa NFPC at kasapi sa bentahan patungkol sa tunay na umaasenso sa pamilihan ng isda. Patuloy lamang at walang pinagbago ang binabayaran ng mga kasapi sa bentahan sa kabila ng mga balakid sa panghuhuli at kasalukuyang pandemiyang Covid-19. Gayundin, ang pagtingin na karaniwang mga batillo o katiwala ang naibibigay na trabaho sa mga Navoteño dahil sa hindi sapat ang kanilang edukasyon o karaniwan silang informal settlers na malapit sa NFPC. Sa kabuuan, nasipat na bagama’t ipinagmamalaki ang ambag ng NFPC ngunit hindi ito ang tunay na solusyon sa kahirapan ng lungsod Navotas kung ang mga tao sa itaas lamang ang nagkokontrol ng kailangan gawin ng mga kasapi sa bentahan. Sa kabila nito, hindi naman maipagkakaila ng mananaliksik na patuloy na nakaaambag ang Navotas Fish Port Complex upang itaas ang moralidad at kumpiyansa ng mga Navoteño.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
352 leaves
Keywords
Harbors; Fishmongers; Fishes--Geographical distribution; Selling—Fishes
Recommended Citation
Tayone, R. M. (2021). NAVOTA(A)S: Pagmamapa ng bentahan sa pamilihang fish port complex gamit ang pag-aaral na socio-economic geography. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/2
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
5-24-2021