Date of Publication
8-2015
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in Philippine Studies
Subject Categories
Philosophy
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Defense Panel Chair
Dolores R. Taylan
Defense Panel Member
Elenita Dlr. Garcia
David Michael M. San Juan
Abstract/Summary
Si Mananzan ang maaaring isa pang Pilipinang intelektwal na hindi man kasing sikat ni Quito sa grupo ng mga pilosopo, mapagtatantong posibleng daigin ang nasabing tanyag na pilosopong Pilipina sa dami ng citations sa Google Scholar. Gayunpaman, hindi layon ng pananaliksik na paghambingin ang kaisipan ng dalawang babaeng pantas, datapwat mithiin ng pag-aaral na magkaroon ng “bulungan” o pagpupulong ng kaisipan sina Quito at Mananzan sa pamamagitan ng kanilang tekstwal na produksyon. May pangkalahatang suliranin ang pananaliksik na: ano ang magiging saysay ng pilosopiya ni Quito kapag susuriin sa punto de bista ng pilosopiya ni Mananzan; ano ang magiging saysay ng pilosopiya ni Mananzan kapag susuriin sa punto de bista ng pilosopiya ni Quito; at ano-ano ang implikasyon ng mga saysay na ito sa pilosopiyang Pilipino? Ginamit ng pag-aaral ang dialohikal na hermenyutika ayon kina Martin Heidegger (1889 - 1976) at Hans Georg Gadamer (1900-2002) para sa tekstwal na dayalogo ng dalawang Pilipinang pilosopo. Sa pagkakatong ito, titingnan ng mananaliksik ang mga sumusunod na paksa ng kanilang pilosopiya: 1) teoretikal at praksiyolohikal na batis; 2) replektibong pananaw sa pilosopiya sa Pilipinas; 3) diskursibong katayuan sa pilosopiyang Pilipino; 4) metodo sa pamimilosopiya; 5) praksiyolohiya; at 6) pananaw sa lipunang Pilipino.
Sa pagsusuring ito, mahihinuha ang kahalagahan ni Quito sa pananaw ni Mananzan sa kanyang paglalahad espesipikong pagbabahagi ng mga suliraning nakasasagabal sa pagyabong ng pilosopiya sa Pilipinas, kadalubhasaan sa iba't ibang wika upang madalumat ang mga dayuhang kaisipan, malalim na teoretikal na pagsusuri kaya nakilala sa larangan ng pilosopiya, pagsusulat ng mga pag-aaral sa wikang pambansa, at pagpapalitaw ng identidad na diwang Pilipino. Mawawari naman ang kapakinabangan ni Mananzan sa pananaw ni Quito sa kanyang konsistenteng praksiyolohiyang nakikiisa sa mahihirap at inaaping kababaihan, paglilimbag ng mga sanaysay at talumpating produkto ng matapang na pakikibaka, problem-based na kritikal na pilosopiya, at malalimang pag-aaral sa kasaysayan. Madadalumat mula rito ang mga implikasyon ng mga saysay sa pilosopiyang Pilipino gaya ng kahalagahan ng kabatiran sa kasaysayan, pamimilosopiya gamit ang wikang pambansa, pagtutulungan ng teoretikal at praksiyolohikal na antas ng pilosopiya, kadalubhasaan sa iba’t ibang wika, paglabas sa komportableng kalagayan, at pagiging bukas sa kultura, tradisyon, at maging sa pilosopiyang taliwas sa sariling paniniwala.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
185 leaves
Keywords
Quito, Emerita S., 1926-; Mananzan, Mary John; Philosophers--Philippines
Recommended Citation
Liwanag, L. L. (2015). Pilosopiyang pilipina: Bulungan ng mga kaisipan nina Quito at Mananzan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/7
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
5-12-2021