Date of Publication
9-20-2022
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doctor of Arts in Language and Literature Major in Filipino
Subject Categories
Marriage and Family Therapy and Counseling | Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Chair
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Member
Feorillo A. Demeterio III
Rowell D. Madula
Fides A. Del Castillo
Jimmuel C. Naval
Abstract/Summary
Ang marriage encounter weekend seminar ay isang uri ng programa para sa post-cana na isinusulong ng Marriage Encounter Foundation of the Philippines upang mapagtibay pa ang relasyon ng mga mag-asawa. Bilang mga laykong lingkod ng St. Clare of Assisi Parish, na sumasakop sa ilang mga bloke ng Brgy. NBBS, Navotas City at Brgy. Longos, Malabon City, ang mananaliksik at ang kanyang mga kasamang mag-asawang naglilingkod sa Family and Life Ministry ay naging bahagi nito at napansin niya ang postibong pagbabago sa kanilang buhay mag-asawa. Ang pagbabagong ito ang nakapagpaganyak sa kanya upang pag-aralan kung paano nagkaroon ng talab-wika sa buhay ng mga mag-asawang laykong lingkod ng nabanggit na parokya matapos ang kanilang marriagw encounter seminar.
Pumili ang mananaliksik ng sampung pares ng mag-asawang laykong lingkod ng St. Clare of Assisi Parish na sumailalim dito at dinalumat kung paano nagkaroon ng talab-wika sa kanilang buhay mag-asawa matapos sumailalim sa marriage encounter weekend seminar.
Naging batayan ng kanyang pananaliksik ang tatlong batis ng pag-aaral: liham o love letter, pinatnubayang talakayan o focus group discussion (FGD); at testimonya ng sampung mag-asawang itong sumailalim sa marriage encounter.
Ginamit naman ng mananaliksik ang pag-aaral ni Maggay at ang mga teorya nina Van Dijk at Habermas bilang tuntungan ng kaniyang teoritikal na batayan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
514 leaves
Keywords
Marriage counseling; Married people--Philippines; Group relations training; St. Clare of Assisi Parish (Navotas, Philippines); St. Clare of Assisi Parish (Malabon, Philippines)
Recommended Citation
Correa, R. B. (2022). Talab wika sa buhay ng mga marriage encounter couple na lingkod parokyano ng St. Clare of Assisi Parish, Brgy. NBBS, Navotas, at Brgy. Longos, Malabon. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/9
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
9-19-2022