Date of Publication

9-21-2021

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Feorillo Petronilo A. Demeterio, III

Defense Panel Chair

Rhoderick V. Nuncio


Defense Panel Member

Rodrigo D. Abenes
Lars Raymund C. Ubaldo
Dexter B. Cayanes
Josefina C. Mangahis

Abstract/Summary

Siniyasat ng mananaliksik ang piling korpus ng mga akda ni Padre Francis Hubert Lambrecht bilang daluyan sa pagbubuo ng katangian ng Kontemporaryong Araling Filipino. Naging pokus ng pag-aaral ang mga teksto na pumapaloob sa kultura, relihiyon, sining, at panitikang Ifugao na kaniyang nadokumento sa mahigit limang dekadang pamamalagi sa iba’t ibang bayan ng Ifugao at sa buong Kordilyera. Inilapat sa pag-aaral ang pamamaraang Hermenyutika ni Schleiermacher bilang dulog sa pagtatagpo ng mga teksto at konteksto ng pag-aaral. Upang maging tapat sa paggamit ng metodo, isinalaysay ang intelektuwal na buhay ni Padre Lambrecht nang may pagsasaalang-alang sa kaniya bilang isang misyonero at antropologo. Gayundin, inilatag ng mananaliksik ang personal na danas sa usaping inkulturasyon at akulturasyon para sa prosesong divinatory ng Hermenyutika at ginamit ang natibong salita sa Ifugao na pun nomnoman bilang pamamaraan ng kritikal na pag-iisip o way of thinking sa paghahayag ng sarili sa kulturang bunsod ng sinkretismo. Lumabas naman sa resulta ng pag-aaral ang anim na dominanteng tema mula sa mga akda ni Padre Francis na naging batayan upang matukoy ang ambag ng mga dokumentong ito sa usaping pamamaraan, tema, at mga peligro sa pagsasagawa ng pag-aaral sa ilalim ng Araling Pilipinas.

Susing salita: Ifugao, Francis Lambrecht, Kultura, Relihiyon, Araling Pilipinas, Araling Kordilyera

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

357 leaves

Keywords

Ifugao (Philippine people); Culture; Religion; Social sciences; Lambrecht, Francis

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

9-19-2021

Share

COinS