Date of Publication

2023

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Feorillo Petronillo A. Demeterio III

Defense Panel Chair

Raquel E. Sison-Buban

Defense Panel Member

David Michael M. San Juan
Rito V. Baring
Dexter B. Cayanes
Renato G. Maligaya

Abstract/Summary

Isang multikultural na lipunan ang Mindanao na nagtatampok ng iba't ibang kultura at tradisyon na nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga mamamayan dito. Ang pagdating ng dayuhang mananakop ang nagbunsod ng malawakang impluwensya sa lipunan higit lalo sa paglaganap ng iba't ibang relihiyon sa pulo na nagpabago sa ugnayan ng mga tao.

Samantala, ang dakbayan ng Iligan ay maituturing na isang multikultural na lungsod na binubuo ng tri-people-- Dumagat (Katoliko at di-Katoliko), Mëranaw, at Higaonon. Sa kabila ng pagkakaiba ng kultura ng mga Iliganon, hindi maihihiwalay sa kanilang sinaunang paniniwala ang diwa ng pananagisag na masasalamin sa kanilang mga isinasagawang ritwal at seremonya. Ang pagdiriwang ng pista ng dakbayan ng Iligan ay nagsilbing inklusibong espasyo na nagbibigay pagkakataon sa bawat pangkat na ipahayag ang kani-kanilang kultura sa pamamagitan ng paglahok sa mga kultural na kaganapan ng lungsod. Kaugnay nito, mahalagang suriin ang kabuoang halaga ng kapistahan ni Senyor San Miguel Arkanghel, isang guererong patron na tagapagpanalipud ng dakbayan sa etnokultural na integrasyon ng tri-people.

Isinagawa ang isang etnograpikong uri ng pananaliksik sa pangangalap ng impormasyon mula sa mga pangunahing gawain at ritwal ng pagdiriwang. Gayundin, isinaalang-alang ng mananaliksik ang pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa mga susing impormante na magpapalalim sa pagtalakay hinggil sa integrasyong etnokultural. Bahagi rin ng pagtalakay sa pag-aaral ang nangingibabaw na sinkretismo at tradisyong dulot ng pinaghalong pananampalataya at animistikong gawain.

Lumabas sa pag-aaral na si Senyor San Miguel ay nagkaroon ng iba't ibang bersyon ng pagkakakilanlan bilang protektor laban sa kasamaan sa paniniwala ng tatlong pangkat ng dakbayan. Nakikilahok sa pagdiriwang ng pista ang mga di-Katoliko, Mëranaw, at Higaonon partikular sa mga sosyo-kultural na gawain na nagtatampok ng pagpapahalagang kultural ng lungsod sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pinaniniwalaan. Natuklasan din sa pag-aaral na ang ilan sa mga Katolikong Dumagat na deboto ng patron ay may lahi ng Mëranaw at katutubo kaugnay sa isinalaysay na kasaysayan ng dakbayan. Samantala, malaking hamon pa rin sa isang multikultural na lungsod ang pagkamit ng isang perpekto at nagkakaisang lipunan. Nabatid sa pag-aaral ang mga hamong kailangang tugunan ng mga relihiyoso at sibikong pamunuan sa usapin ng panatisismo, istiryotipiko, at pantay na representasyong pangkultura ng tri-people sa pagdiriwang. Sa pangkalahatan, masasabing nangingibabaw ang paggalang ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura at tradisyon ng mga Iliganon na malinaw na naihahayag sa mga gawain ng Diyandi Festival. Itinatampok ang pagwawagi ng kabutihan laban sa kasamaan na simbolikal na representasyon nito ang imahen ni Senyor San Miguel Guerero ng Iligan.

Mga Susing Salita: Senyor San Miguel Guerero, etnokultural na integrasyon, tri-people, dakbayan ng Iligan, sinkretismo, Diyandi Festival

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

xx, 424 leaves

Keywords

Fast and feasts--Philippines; San Miguel Guerrero; Dindi festival

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

8-12-2025

Available for download on Tuesday, August 12, 2025

Share

COinS