Date of Publication

7-2026

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Museum Studies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Feorillo Petronilo A. Demeterio III

Defense Panel Chair

Raquel E. Sison-Buban

Defense Panel Member

Rowell D. Madula
Ramilito B. Correa
David Michael M. San Juan
Crislie L. Unabia

Abstract (Filipino)

Sinuri sa pag-aaral na ito kung paano ginagampanan ng Museo de la Parroquia sa Obando, Bulacan ang tungkulin nito sa pangangalaga ng buhay na pamanang kultural na nauugnay sa Tatlong Patron na sina Santa Clara ng Assisi, San Pascual Baylon, at Mahal na Birhen ng Salambao. Sa pagsusuri nito, ginamit bilang pangunahing balangkas ang Intangible Cultural Heritage Framework ng UNESCO (2003), habang nagsilbing suportang lente ang pananaw ni Emile Durkheim hinggil sa ritwal at kolektibong buhay-panlipunan. Kaugnay nito, nilayon ng pag-aaral na mailarawan kung paano pinangangalagaan ng museo ang magkakaugnay na materyal at di-materyal na pamanang kultural ng Obando, matukoy ang mga hamon at estratehiya sa pagpapatuloy nito, at masuri ang papel ng lokal na komunidad sa mga gawaing pangmuseo at pangangalaga ng pamana.

Upang maisakatuparan ito, gumamit ang pananaliksik ng kwalitatibong disenyo at etnograpikong pagdulog. Nakalap ang mga datos sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga dokumento, pakikilahok sa mga ritwal, pagmamasid, at pakikipanayam sa mga tagapangasiwa ng museo, mga deboto, mga kasapi ng samahang pansimbahan, mga mananayaw, at iba pang mamamayan ng Obando. Bukod dito, nagsagawa rin ng benchmarking sa mga piling museong panrelihiyon sa Bulacan at Rizal upang mapalawak ang pag-unawa sa iba't ibang pamamaraan ng pangangalaga at pamamahala ng pamanang kultural.

Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos, lumitaw sa pag-aaral na ang Sayaw sa Obando ay isang buhay na tradisyong patuloy na isinasabuhay ng pamayanan. Binubuo ito ng magkakaugnay na materyal at di-materyal na elemento, kabilang ang mga imahen, dokumento, indumentarya, awit, panalangin, sayaw, at iba pang gawaing debosyonal. Natuklasan din na ang museo ay hindi lamang nagsisilbing imbakan ng mga artepakto kundi isang aktibong katuwang ng dambana sa dokumentasyon, interpretasyon, pagpapatuloy, at pagpapasa ng ritwal sa mga susunod na salinlahi. Gayunman, ipinakita rin ng mga datos na nahaharap ang pangangalaga sa pamana sa iba't ibang hamon gaya ng pagbaha, halumigmig, limitadong yamang-tao, kakulangan sa espesyalisadong konserbasyon, at unti-unting pagliit ng bilang ng mga tagapagmana ng kaalaman. Bilang tugon, isinasagawa ng museo at ng dambana ang mga estratehiyang nakasentro sa edukasyon, dokumentasyon, digital na pag-aarkibo, katesismo ng Sayaw Panalangin, mga gabay na paglilibot sa pamanang kultural, at aktibong pakikilahok ng komunidad.

Batay sa mga natuklasan, nabuo ang isang integratibong teoretikal na modelo na tinawag na Modelong Buklod-Bayan para sa pangangalaga ng buhay na pamanang kultural na nakabatay sa ugnayan ng museo, simbahan, komunidad, at pamana. Binibigyang-diin ng modelo na ito na ang pangmatagalang pagpapanatili ng pamana ay hindi lamang nakasalalay sa konserbasyon ng mga materyal na bagay kundi sa patuloy na pagsasabuhay, pagpapasa, at pagbibigay-kahulugan ng komunidad sa mga tradisyong kanilang minana. Sa kabuuan, ipinakita ng pag-aaral na ang Museo de la Parroquia ay may mahalagang papel bilang tagapag-ugnay ng nakaraan at kasalukuyan at bilang katuwang ng pamayanan sa pagpapanatili ng kolektibong alaala, pananampalataya, at pagkakakilanlang Obandeño.

Abstract Format

html

Abstract (English)

This study examined how the Museo de la Parroquia in Obando, Bulacan fulfills its role in safeguarding the living cultural heritage associated with the Three Patron Saints: Saint Clare of Assisi, Saint Paschal Baylon, and Our Lady of Salambao.  The analysis was primarily guided by UNESCO’s Intangible Cultural Heritage Framework (2003), with Emile Durkheim’s perspective on ritual and collective social life serving as a supporting theoretical lens.Accordingly, the study aimed to describe how the museum safeguards Obando’s interconnected tangible and intangible cultural heritage, identify the challenges and strategies involved in sustaining this heritage, and examine the role of the local community in museum activities and heritage safeguarding.

To achieve this objective, the research employed a qualitative design and an ethnographic approach. Data were gathered through document analysis, participation in rituals, observation, and interviews with museum administrators, devotees, members of church organizations, dancers, and other residents of Obando. In addition, benchmarking was conducted with selected religious museums in Bulacan and Rizal to broaden the understanding of various approaches to cultural heritage preservation and management.

The findings revealed that the Sayaw sa Obando is a living tradition that continues to be practiced and sustained by the community. It consists of interconnected tangible and intangible elements, including sacred images, documents, liturgical vestments, songs, prayers, dances, and other devotional practices. The findings further showed that the museum serves not merely as a repository of artifacts but as an active partner of the shrine in the documentation, interpretation, continuity, and transmission of the ritual to succeeding generations. However, the data also indicated that heritage safeguarding faces several challenges, including flooding, humidity, limited human resources, lack of specialized conservation expertise, and the gradual decline in the number of knowledge bearers. In response, the museum and the shrine implement strategies centered on education, documentation, digital archiving, catechesis on the Sayaw Panalangin, guided cultural heritage tours, and active community participation.

Based on the results, an integrative theoretical model called the Buklod-bayan Model for safeguarding living cultural heritage was developed, grounded in the interconnected relationship among the museum, church, community, and heritage. The model emphasizes that the long-term sustainability of heritage depends not only on the conservation of tangible objects but also on the community’s continuous practice, transmission, and interpretation of inherited traditions. Overall, the study demonstrated that the Museo de la Parroquia plays a significant role as a bridge between the past and the present and as a partner of the community in sustaining the collective memory, faith, and Obandeño identity.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Cultural property—Protection--Philippines; Intangible property--Philippines; Museo de la Parroquia

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

11-18-2029

Available for download on Sunday, November 18, 2029

Share

COinS