Date of Publication

2024

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Feorillo Petronillo A. Demeterio III

Defense Panel Chair

Raquel E. Sison-Buban

Defense Panel Member

Rowell D. Madula
Ernesto V. Carandang II
Leslie Anne L. Liwanag
John Iremil E. Teodoro

Abstract/Summary

Ang pag-aaral ay papatungkol sa buhay, pag-aakda, at kultural na produksiyon ng itinuturing na Ama ng Kontemporanyong Panitikan ng Kanlurang Visayas na si Leoncio P. Deriada. Tinugunan ng pag-aaral ang hamon ng kritiko at pambansang alagad ng sining na si Bienvenido Lumbera na lumikha ng talambuhay ng mga alagad ng sining ng rehiyon upang mapunan ang puwang sa kung paano idurugtong at ipagsasanib ang panitikan ng rehiyon at ang itinuturing na panitikan ng bansa. Kung kaya’t nilayon ng pag-aaral na itampok ang buhay at pag-aakda ni Leoncio P. Deriada bilang sagot sa hamon at pangarap na ito sa pagtatanghal ng talambuhay ng naturang manlilikha na bukod sa layunin ng dokumentasyon ay nagsulong din ng rehiyonal na panitikan sa kamalayan ng mas maraming mamamayan na ang mas nakilala lamang na panitikang pambansa ay yaong mga naunang isinubo ng sistema ng edukasyon na madalas ay mga akdang mas nagmumula sa "sentro" o sa Maynila . Ililitaw ng pag-aaral ang mahalagang papel ni Deriada upang mamayagpag ang kontemporanyong panitikan ng Kanlurang Visayas lalo pa ang pagpapakilala ng mga wikang Hiligaynon, Kinaray-a, at Aklanon, bukod sa Filipino at Ingles, bilang mga wika ng pambansang panitikan. Sa kanyang naging paglalandas upang maging ganap ang kanyang persona bilang kabataan, estudyante, asawa’t ama, manunulat at manggagawang-pangkultura, nabuo ang mga antolohiya ng mga rehiyonal at pambansang manunulat at akda bilang kongkretisasyon ng konsepto niya ng panitikan ng rehiyon na sumuhay sa panitikan ng bansa. Kung paanong ang pag-aaral sa buhay at pag-aakda ni Deriada ay nagpatibay din sa argumento na ang panitikan ng bansa ay marami, hindi iisa, walang sentro, dahil lahat ng rehiyon ay sentro ng panitikang pambansa. Ginamit sa pag-aaral ang pamimili ng paksa, publikasyon, sampling ng mga akda, at panayam.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Philippine literature; Authors, Filipino; Leoncio P. Deriada

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

10-9-2026

Available for download on Friday, October 09, 2026

Share

COinS