Date of Publication
2024
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Chair
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Member
Rowell D. Madula
David Michael M. San Juan
Jun Y. Badie
Voltaire M. Villanueva
Abstract/Summary
Inugat ang disertasyong ito mula sa sariling karanasan ng mananaliksik bilang isang guro ng wika, isang mag-aaral na nagpapatuloy sa pananaliksik ng pag-iral, pagbabago at paggamit ng wika, at isang manlalaro mula sa isang konsumeristang bansa. Pangunahing suliranin ng pananaliksik na ipaliwanag kung paano makatutulong ang sariling disenyo ng larong tabletop na Isabuhay sa diskurso ng mga wikang katutubo sa Pilipinas. Inuuring tabletop ang mga larong gumagamit ng patag na espasyo at kadalasang mayroong iba pang piyesa o gamit tulad ng card, board, pamato, at iba pa.
Bilang laman o content ng laro, tinalakay sa saliksik na ito ang sariling konsepto ng value engineered na ikinawing ng mananaliksik sa pandaigdigang konsepto ng mga karapatang pantao sa wika (linguistic human rights). Ibinalangkas ng mananaliksik ang kabuuang tindig hinggil sa idinidisenyong laro gamit ang konsepto ng value engineered sa paglalarawan ng kalagayang pangwika sa bansa magmula sa mga sangguniang tumatalakay direkta at indirekta tungkol sa wika mula panahon bago ang pananakop ng mga Kastila hanggang sa kasalukuyan.
Mula sa pagbalangkas ng paksa ng laro, masinsin na idinisenyo ng mananaliksik ang mga bahagi ng larong tabletop na Isabuhay hango sa ludo-naratibong disenyo ng laro ni Espen Aarseth at nakasandig sa mga prinsipyo ng kolaboratibong pagkatuto nina George Jacobs at Peter Seow at mga prinsipyo ng game-based learning ni James Paul Gee. Pinangalanan ang larong Isabuhay dahil laman ng salitang ito ang pagsasabuhay ng isang paksang tulad ng wika na kadalasan ay naririnig, napapanood o nababasa lamang sa silid-aralan. Ang pagsasabuhay ay isang katangian ng larong role-playing. Gayundin, makabubuo rin ng ibang mga salita ang pangalang Isabuhay: isa na kumakatawan sa katangiang kooperatiba ng laro at buhay na kumakatawan sa paksa ng mga búhay at buháy na wika. Sa paghihimay ng laro sa iba’t ibang bahagi, ipinakilala ang mapang idinisenyo bilang mundo ng laro, at ang panukat ng antas, mga badge at ang stiker ng mga bahay-wika bilang mga gamit ng laro. Gayundin, ipinakilala rin ang mga karakter ng mga mag-aaral na manlalaro at ang gampanin ng guro bilang tagapagpadaloy. Huli, tinalakay ang mga card bilang mga pangyayari sa loob ng laro na siyang halaw mula sa pagbabaybay ng kasaysayang pangwika ng bansa. Sinikap sa disertasyong ito na tahiin ang ugnayan ng bawat bahagi ng laro sa isa’t isa, gayundin sa mga prinsipyo ng kolaboratibong pagkatuto at game-based learning.
Sa huli, sinikap rin sa pananaliksik na ito na bumuo ng isang modelo na maaaring gamiting gabay ng ibang gurong nais lumikha ng isang materyal panturo na halaw sa game-based learning. Sa modelong Isabuhay2, binalangkas ng mananaliksik ang proseso at kinakailangan sa pagdidisenyo ng isang materyal na game-based halaw na rin sa danas ng pagdidisenyo ng larong Isabuhay.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Linguistic rights; Philippine languages; Games—Design
Recommended Citation
Liwanag, M. C. (2024). Isabuhay: Isang larong disenyo para sa mga diskurso ng mga wikang katutubo. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/20
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
4-23-2027