Date of Publication

7-15-2024

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Indigenous Studies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Feorillo Petronilo A. Demeterio III

Defense Panel Chair

David Michael M. San Juan

Defense Panel Member

David Michael M. San Juan
Raquel E. Sison-Buban
Leslie Anne L. Liwanag
John A. Amtalao
Jun Y. Badie

Abstract/Summary

Layunin ng pag-aaral na mailahad ang dinamiks ng mga kapital ni Bourdieu sa kuwento ng tagumpay ng mga katutubong Aeta sa Tarlac. Pangunahing nilayon ng pananaliksik na madalumat ang mga inisyal na kapital, nalikhang kapital, at ang naging transpormasyon ng mga kapital na naging instrumento, nakaapekto at nakatulong ng lubos sa mga katutubo upang magtagumpay sa buhay.

Inilahad sa pag-aaral ang kuwentong buhay ng mga kalahok tungo sa pag-abot ng kanilang mga pangarap kung saan binigyang-diin ang kanilang mga karanasan, pinagdaanan upang matamo ang mataas na antas ng edukasyon, pagkamit ng kanilang akademikong titulo, ang nagsilbing motibasyon, inspirasyon, pinanghuhugutan ng lakas, tatag ng loob, pangarap at ang mga salik na nakaapekto sa mga aspetong ito. Gayundin, inilahad ang mga inisyal at nalikhang pang-ekonomikong kapital, panlipunang kapital, kultural na kapital, simbolikong kapital, at emosyonal na kapital ng mga kalahok. Dinalumat din kung paano pinakikinabangan ang mga kapital, at ang mga naging transpormasyon nito. Tinukoy din kung ano-ano ang mga nabago sa kanilang pang-ekonomiko, kultural, panlipunan, simboliko, at emosyonal na kapital dulot ng pag-angat nila sa buhay. Ginalugad din kung anong kapital ang pinakanabago at kung anong kapital ang nagsilbing pinakamahalaga sa kanilang paglalakbay tungo sa tugatog ng tagumpay.

Ang mananaliksik ay gumamit ng metodong Case Study na ibinatay sa Ginabayang Pakikipagkuwentuhan (Guided Interview) upang makakalap ng sapat na datos na magpapatibay sa pag-aaral. Angkop ang paggamit ng pamamaraang ito upang matukoy ang mga mahahalagang datos na nakaangkla sa kuwento ng tagumpay ng mga katutubong Aetang kalahok sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng metodong ito, maiisa-isa at makakalap ang mga inisyal, nalikha, at transpormasyon ng mga uri ng kapital ng bawat kalahok. Ang mga datos na nakalap ay magsisilbing pundasyon upang madalumat ang kabuuan ng pag-aaral.

Mula sa isinagawang pag-aaral, napatunayan na malaki ang impluwensya ng mga kapital ni Bourdieu sa kuwento ng tagumpay ng mga katutubong Aeta sa Tarlac. Nailahad kung ano-ano ang inisyal at nalikhang kapital ng mga kalahok. Gayundin, nadalumat kung paano ang naging transpormasyon ng pang-ekonomiko, kultural, panlipunan, simboliko, at emosyonal na kapital ng mga kalahok. Batay sa naging resulta ng pagdalumat sa dinamiks ng mga kapital ni Bourdieu sa kuwento ng tagumpay ng mga katutubong Aeta sa Tarlac, ang panlipunan at emosyonal na kapital ang pinakamahalagang kapital ng mga kalahok. Nakatulong ang kuwento ng tagumpay na inilahad ng mga katutubo upang mabigyang-linaw na ang dalawang kapital na ito ang pinakaimportanteng kapital sa kanilang pagtatagumpay sa buhay. Kaugnay nito, ang pang-ekonomiko at kultural na kapital naman ang pinakanabagong kapital dulot ng kanilang tagumpay sa buhay.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Aeta (Philippine people); Indigenous peoples--Philippines; Pierre Bourdieu, 1930-2002

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

9-17-2024

Share

COinS