Date of Publication
7-15-2024
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Entrepreneurial and Small Business Operations | Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Feorillo Petronilo A. Demeterio III
Defense Panel Chair
David Michael M. San Juan
Defense Panel Member
Rodrigo D. Abenes
Deborrah S. Anastacio
Leslie Anne L. Liwanag
Analiza D. Resurreccion
Abstract/Summary
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay suriin kung paano pinaunlad ng programang Kapatid Mentor ME (KMME) ang iba't ibang anyo ng konsepto ng kapital ni Bourdieu ang kultural, panlipunan, simbolikal, at emosyonal ng mga piling mentee na nagtapos sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Batay sa konsepto ng panlipunang reproduksyon mula sa Pranses na sosyolohistang si Pierre Bourdieu, inilahad dito ang mga pagbabagong naganap sa mga piling mentees ng KMME kaugnay ng mga nabanggit na anyo ng mga kapital.
Isinakatuparan ng mananaliksik ang metodong Case Study na ibinatay sa Key Informant interview (KII) bilang pangunahing ginamit sa pangangalap ng mga datos. Samantalang labis na nakatulong sa mananaliksik ang paggamit ng metodong ito upang matukoy ang mga mahahalagang datos na pangunahing tutugon sa mga tiyak na suliranin na naitala sa pag-aaral.
Batay sa resulta ng isinagawang pagsusuri, napatunayan ng mananaliksik na ang mga piling mentees na nagsipagtapos sa KMME ay aktibong nakibahagi sa transpormasyon ng kanilang mga kapital na pangkultural, panlipunan, emosyonal, at simbolikal sa pamamahala ng kanilang negosyo. Ito ay pinagtibay ng mga kilalang kalahok na aktibong nagbahagi ng kanilang kaalaman, karanasan, at impormasyon ukol sa iba't ibang uri ng kapital. Hindi matatawaran ang mahalagang kontribusyon ng programang Kapatid Mentor ME (KMME) at napatunayang epektibo sa pagpapalakas ng mga piling mentees sa pamamagitan ng mga pagsasanay at mga kaalamang itinuro ng kanilang mga mentor sa loob ng sampung linggo gamit ang serye ng modyul.
Bagaman, inirerekomenda ng mananaliksik ang pagsasagawa ng mas malalim na pag-aaral sa mga susunod na magtatapos sa programang Kapatid Mentor ME (KMME) sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ang pag-aaral na ito ay dapat masusing tumingin sa sampung modyul na kanilang pinag-aaralan at pagyamanin pa ang mga ito, kasama na ang iba pang aspeto na maaaring makatulong sa mga susunod na entrepreneurs. Sa ganitong paraan, mapapatibay ang mga natuklasan ng mananaliksik at makapagbibigay ng bagong kaalaman at karanasan sa mga mag-aaral, iskolar, at tagapagtaguyod ng pananaliksik tungkol sa mga susunod na mentees na may-ari ng mga negosyo.
Mga Susing Salita: KMME, entrepreneur, mentor, mentee, MSME
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Entrepreneurship—Philippines—Bulacan; Mentoring in business—Philippines—Bulacan
Recommended Citation
Cocabo, C. C. (2024). Kapatid mentor ME (KMME) program at ang paglinang ng mga kultural, panlipunan, simbolikal at emosyonal na kapital ng mga mentee sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/22
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
8-10-2024