Date of Publication

4-4-2024

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

Feorillo Petronillo A. Demeterio, III

Defense Panel Member

Jimmuel C. Naval
John Iremille E. Teodoro
Dexter B. Cayanes
Raquel E. Sison-Buban

Abstract/Summary

Nais bigyang puwang sa pag-aaral na ito ang pagsusuri sa oral na panitikan partikular ang mga nanangën ng mga katutubong Bukidnon mula tribung Higaonon ng Baranggay Kulaman, Malaybalay City, Bukidnon. Ang pag-aaral ay sumailalim sa kaukulang protokol sa pananaliksik ng katutubong panitikan tulad ng paghingi ng Free Prior Informed Consent mula sa tribu at sa pinuno ng Baranggay Kulaman, at pagsasagawa ng kaukulang ritwal o pamuhat at panulod. Ang mga impormante ay natukoy batay sa kanilang naging papel sa komunidad bilang mga magnanangën ng tribu. Nagsagawa rin ng mga panayam sa mga katutubong mula sa iba’t ibang pangkat ng gulang. Muling Pagsasalaysay o Retelling at Pagsasalin, na dinalumat bilang Salaysalin ang dulog na ginamit sa pangangalap at pagsusuri ng mga nanangën. Sa pamamagitan ng Tematik na Pagbasa at Pilosopiyang Pilipino bilang batis ng pagsusuri, natugunan ang sumusunod na mga tiyak na suliranin ng pananaliksik: Ano-ano ang nilalaman ng mga nanangën sa muling pagsasalaysay at pagsasalin nito? Ano-ano ang mga pangunahing tema at paksa ng mga nanangën? Ano-anong mga nakakubling diskurso ang ipinahihiwatig ng mga nanangën?

Batay sa resulta ng pananaliksik, mahalagang dulog ang Muling Pagsasalaysay at Pagsasalin sa preserbasyon ng katutubong panitikan. Napalalawak ang saklaw ng mga mambabasa at naitutulay ng Salaysalin ang kultura, tradisyon at kamalayan ng mga katutubong Bukidnon. Lumabas din sa paghihimay ng mga nanangën na ang mga pangunahing tema sa mga naratibo ay ang sumusunod: Pagkakaibigan, Katarungan, Pagmamahal sa Pamilya, Katusuhan, Garbo, Kahangalan at Kasibaan. Ang mga natukoy na tema ay representasyon ng mga katangian, karanasan, hangarin, damdamin, saloobin at reyalidad ng mga katutubo.

Sa kabuuan, ang mga nanangën ay artikulasyon ng kultural, politikal at panlipunang kamalayan ng mga katutubong Bukidnon. Mula sa mga temang lumabas sa mga naratibo, natasa ang mahalagang papel ng mga nanangën sa pagpapanatili ng mga pagpapahalagang katutubo at pagpapatibay ng kanilang pangkulturang kakanyahan. Ipinakikita rin ng pananaliksik ang masalimuot na talaban ng naratibo at lipunan, at kung paaanong nagsasalikop ito sa paglalantad ng kanilang politikal na kamalayan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Indigenous peoples--Philippines--Bukidnon; Bukidnon (Philippine people); Oral tradition--Philippines--Bukidnon

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-27-2026

Available for download on Monday, April 27, 2026

Share

COinS