Date of Publication

12-2023

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Asian Studies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

Rowell D. Madula

Defense Panel Member

Efren J. Domingo
Donner L. Dones

Abstract/Summary

Sa kabila ng pananaig ng mga banyagang musika sa makabagong midya, hindi nagpatinag ang Pinoy pop group na SB19 upang lusungin ang parehong lokal at internasyonal na entablado gamit ang musikang Pilipino. Sa kasalukuyang estado ng musika sa globalisasyon, maituturing bilang gahum ang pag-impluwensya ng grupong SB19 sa kung ano ang nahuhulma sa paggawa ng musikang popular na maihahalintulad sa iba pang bansa at kultura. Gamit ang teoryang Standardization ni Theodor Adorno at tekstwal na analisis bilang metodo, susuriin sa tesis na ito ang limang awitin at music video ng SB19; What?, Mapa, Bazinga, SLMT at Ligaya bilang teksto at palitawin ang kultural na representasyon. Sa unang substantibong seksiyon, matatalakay ang mga mensaheng nakapaloob sa awitin ng SB19. Sa ikalawang substantibong seksiyon, mailalahad naman ang mga mensaheng nakapaloob sa music video ng SB19. Layunin ng papel na ito na mailatag ang paglitaw ng kultural na representasyon sa musika ng SB19 bilang pangunahing pagbebenta nito sa merkado na nakapalaoob sa musikang popular at sa paanong paraan nagiging popular ang kanilang musika. Sa kanilang pagsikat bilang Ppop boy group, patunay ang kanilang mga binubuong awitin at music video sa pagrerepresenta ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa makabagong midya.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Boy bands--Philippines; Popular music

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-8-2023

Share

COinS