Date of Publication
12-2023
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Asian Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Feorillo Petronilo A. Demeterio III
Defense Panel Chair
Rowell D. Madula
Defense Panel Member
Christopher Bryan A. Concha
Alphosus Luigi E. Alfonso
Abstract/Summary
Ang Dambanang Pangdiyosesis ni Santa Marta, Parokya ni San Roque ay isang pamanang estruktura na matatagpuan sa munisipalidad ng Pateros, Metro Manila. Itinayo ang simbahan na yari sa adobe na materyal noong ika-1 ng Hulyo 1815. Sa mahigit 200 taong nakatayo, nakaranas ito ng pagbaha, pagbagyo, at paglindol na lubhang nakaapekto sa kabuoang estruktura ng naturang simbahan. Isa sa mga naitalang mahalagang pangyayari kaugnay sa likas na banta ay ang pagguho ng dalawang palapag ng kampanaryo buhat ng sunod-sunod na malalakas na lindol noong Hulyo 1880. Ilan lamang ito sa isyung kinaharap ng estrukturang gawa sa bato dulot ng klima at kondisyon na nararanasan ng Pilipinas bilang tropikal na bansa. Pinalalala ng iba’t ibang likas na inaasahang panganib (natural hazards) na hindi maiiwasan ang kundisyon nito. Tinukoy ang ang resistance/bulnerabilidad ng simbahan ng San Roque laban sa mga natural hazards sa pamamagitan ng isinagawang visual documentation, paglikom ng datos mula sa hazard maps at web applications, at pakikipanayam sa mga dalubhasa sa arkitektura, konserbasyon ng pamana, at sa kasaysayan ng simbahan. Nagsisilbing paunang hakbang ang pag-aaral na ito tungkol sa konserbasyon ng naturang simbahan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Natural resources conservation areas--Philippines--Pateros; Hazard mitigation--Philippines--Pateros; Disasters
Recommended Citation
Dela Pena, C. P. (2023). Konserbasyon at disaster risk ng simbahan ng San Roque, bayan ng Pateros. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/13
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
12-4-2024