Date of Publication

12-11-2023

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Asian Studies | Tourism

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Deborrah Sadile Anastacio

Defense Panel Chair

Rowell D. Madula

Defense Panel Member

Joshua Mariz B. Felicilda
David Michael G. San Juan

Abstract/Summary

Mayroong natatanging pagdiriwang o piyesta ang mga lugar sa bansa na nagsisilbi bilang patunay sa kanilang mayaman na kasaysayan, kultura, at tradisyon. Patunay dito ang Banga Festival na ginaganap taon-taon sa Balanga, probinsiya ng Bataan. Bagaman mayaman ang kasaysayan ng probinsiyang ito dahil sa panahon ng digmaan, mahalagang matuklasan at matalakay rin ang kultural na aspekto na bumubuo sa kanilang probinsiya. Siniyasat sa pananaliksik na ito ang Banga Festival bilang sagisag kultura at daluyan ng turismo ng Balanga dahil sa mga kontribusyon na bitbit nito sa buhay ng kanilang mga residente, at sa ekonomiya ng buong lungsod. Iniugnay ito sa konsepto ni Wendy Griswold ng Cultural Diamond kung saan mayroong apat na elemento ng (1) Manlilikha – ang lokal na pamahalaan ng Balanga na utak sa likod ng piyesta; (2) Tagatanggap – ang mga residente na lumilikha ng karanasan at depinisyon mula sa pakikibahagi; (3) Sosyal na mundo – ang mga sitwasyong nangyayari sa komunidad kung bakit kinailangan malikha ang kultural na obheto; at panghuli (4) Kultural na Obheto – ang mismong pagdiriwang ng Banga Festival.

Sa ganang ito, tinignan ang naturang pagdiriwang mula sa kasaysayan kung bakit ito nabuo, karanasan ng mga tao sa pakikilahok dito, at kamalayan na kanilang nabuo mula sa kanilang pakikibahagi. Nakatulong ang mga elementong ito upang matukoy ang mga salik na nagkakaroon ng kontribusyon sa pagbuo ng sagisag kultura ng Balanga, sa Banga Festival.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Festivals--Philippines--Bataan; Banga Festival

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-11-2025

Available for download on Thursday, December 11, 2025

Share

COinS